Chapter 13
Elga Demitria Magnus ~
Ilang araw na akong di pinapansin ni Austin. Galit pa din siya sa akin tapos ang malala eh kami lang ang nandito sa bahay nila ngayon. Wala kasi si mommy at daddy, imbitado siya sa proposal ni Winter kay Kia tas si Yugo naman eh nasa isang camping chuchu niya sa univ nila tas yung pekeng Kia iyon namatay na inilibing at inamag na... pero joke umalis siya at ngayon ay sinusundan siya ni Blue.
Ayon sa kanya na sa isang resort si Kia ngayon at hinala namin ay makikipagmeet siya sa isang member ng kung ano man itong kalaban namin. Gusto ko sanang sumama pero ang sabi nila magstay na lang muna ako sa tabi ni Austin. Takte di ba!
" asan si boss?" tanong ko dun sa isang katrabaho ko, may nakapagchismis kasi sa akin na umalis siya at may kasamang uod este babae
" umalis po eh kasama po si Ma'am Wendy ang alam ko po eh maglalunch daw" sagot niya sa akin
Umoo na lang ako pero pinagtataka ko pa rin kung sino yung Wendy na yun at bakit sila magkasama ni Austin. Teka nga yan na naman ako eh kung ano- ano na namang iniisip na hindi dapat!
" Ma'am audit po tayo every floor" yaya sa akin nung kasamahan kong guard
Sa halip na sumama eh nawala ako sa mood kaya hinarap ko na lang yung computer ko. Hindi ko na rin inabala ang sarili kong mag- lunch. Ewan ko ba nawala bigla yung mood ko. Eh paano naman kasi si Uto- uto sumama sa isang Uod este kay Wendy!
Pagkarinig ko pa lang nung pangalan ng uod na yun eh gusto ko na siyang ibaon sa lupa. Yung tipong sa sobrang lalim eh di na siya makakaalis doon at para may pakinabang siya eh maging pataba na lang siya sa lupa o kaya naman tumulong sa pag dedecompose!
' Elga may nalaman ako' biglang pasok ni Danfer
Talagang lalaking ito di alam kung kailan ang pinaka magandang timing para sa kagaguhan niya!
" edi alam mo pake ko!" pagtataray ko
' grabe naman ano bang tinira mo at bad trip ka ata?' mapangasar yung tono niya
" wala pa pero mamaya magshashabu ako sama ka?" sagot ko pa sabay irap ng mata ko
' ito naman hahaha pero yun na nga successful ang proposal ni Winter kay Kia, yung totoo ah kaya mga bukas pwede or next day pwede ko na silang dalhin sa Rome kung na saan ang main HQ natin, mas safe doon eh' balita niya na halatang halata ang saya
" wala akong pake beast mode ako!" sagot ko tsaka ko minute ulit yung eraphone ko
LECHE KASI EH! sisi niyo to kay Austin!
Hayy! naku masama ito kailangan kong mag focus pero paano naman kasi ako magfofocus kung iniisip ko na yung Uod na yun eh kasama ni Austin tas masaya sila tas nag ice skating sila tas kumain sila tas nagki----
Wahhh tama na nga Elga ano ka ba para kang nagseselos diyan eh ang simple- simple lang naman eh sumama si Austin sa Uod na yun tas sabay silang tumalon sa building tas bukas na sila ililibing. Sasama ako sa libing at ending na pwede na!
" ma'am" tawag sa akin ng katrabaho ko kaya binigyan ko siya nang nakakamatay na tingin
" ano!?!?" malamig kong tanong
" ahh ma'am sabi kasi ni boss kung kumain na daw kayo?" halata ang takot sa boses niya habang sinasabi niya iyon
" wala sabihin mo patay na kaya sumunod siya" galit kong sabi
Iniwan niya ako tas sumama siya kay Uod tapos ngayon tatanungin niya ako kung kumain na ako. Eh kung sana ako ang sinama niya sa lunch edi sana nakakain na ako di ba? di ba? Hustisya para sa mga kababaihan!

BINABASA MO ANG
LaF#3: Searching for a Princess #Wattys2015
حركة (أكشن)From the story of "Lost and Found" and " 92 Days with the Princess" came the story of "Searching for a Princess". It is the third series of " Lost and Found" where Austin the eldest son of Yanna and Aston lost himself after the incident where his...