Chapter 16
Elga Demitria Magnus ~
Magkagula-gulantang ako habang dinadrive ko si Douglas. Paano ba naman eh windang pa rin ako sa kiss ni Austin sa akin tas yung sinabi niya na talagang nagpabilis ng puso ko! Wahhhh! pafall talaga yun masyado tas hindi naman ako sasaluhin...
Ganyan naman yung mga lalaki eh pare- parehas sila sa una ang sweet akala mo eh asukal sa tamis na ipinapakita pero pag yun na, pag nilanggam na yung babae sa sobrang tamis nila eh iiwan hanggang sa yung babae eh kagat- kagatin na nung langgam.
Ang ending iniwan nung lalaki yung babae sa mga langgam hanggang sa puro kagat na ito. Sa una lang makati lang ang kagat ng langgam pero habang pinipilit kasi nating kamutin nagsusugat na siya hanggang sa maramdaman na natin yung sakit. Kung minsan nga eh magdudugo pa siya sa sobrang pamimilit natin.
Ang sakit lang kasi pagbabae ka mahirap maghabol lalo na kung yung hinahabol mo eh hindi tumitigil sa pagtakbo. Yun bang tumigil lang siya saglit sayo tas magmomove on agad, samantalang ikaw iyon! naiwan hanggang tinitignan yung lalaking minsan tumigil at nagpafall sa iyo.
" TANGINA Elga gusto ko pang mabuhay!" sigaw ni Rock sa akin nung muntikan ko na siyang masagasaan
Eh sorry naman lutang ako eh pake ba niya. Pasalamat siya at di ko siya tinuluyan at binangga noh, tsaka ang tanga naman niya talagang sa parking siya tambay ah.
" wala akong panahon sayo gago" sabi ko na lang at mabilis na hinagis sa kanya yung susi at yung helmet ko
" tutal mukha kang tae dyan ayusin mo si Douglas" malamig kong sabi sabay alis
" ABA! NAKAKAPUTANGINA KA ELGA AH!" bulyaw pa niya pero nilingon ko na lang siya tsaka binelatan
Hehehe bumabalik mood ko ah!
" uy naligaw ka Elga!" bati sa akin ni Sheep the nerd
" di ah sadyang maganda lang" binigyan ko siya nang isang matamis na ngiti sabay talikod
" asaan ang logic doon" bulong na tanong ni Sheep sa likod ko
Hahaha iba talaga pag nandito ka sa teritoryo mo nakakabago nang mood. Kanina kasi akala mo dyosa ako kung makaemote ngayon isa na akong diwata nang kagandahan. Hahaha asan ang connect wala pinutol ko di nakabayad eh hahaha
Dire- diretso lang ako sa working room ni Blue para itanong yung emergency ng putanginang Danfer yan!
" Blue!" tawag ko sa kanya pagpasok ko
Bakas sa mukha niya yung pagod ng lingunin niya ako pero di nakaligtas sa paningin ko yung kakaibang kaba na nananalantay sa mata niya ngayon.
" Blue anong meron?" this time seryoso na ako, is our mission getting worst?
" nalaman na namin yung grupo este sindikato na---" di na niya naituloy ng putulin ko siya
" a sindicate pero sisiw lang naman sila di ba?" tanong ko pa
" nope! naging mission na ni Key itong sindikatong ito at base sa kanya hindi biro makalaban ang Black Poladium---" pinutol ko ulit siya
" Black Poladium iyon yung muntik ng makapatay kay Mamita di ba?" tanong ko
I remember that sindicate. Sila yung kayang magpabagsak ng malalaking kumpanya, kahit pa gaano kalaki yan sa isang pitik lang ng sindikatong yun buwag ang kumpanyang taget nila.
" sila nga pero ayon sa investigation ko parang DaVin din ang nagyari sa kanila" dagdag pa niya
" what do you mean?" gulong tanong ko

BINABASA MO ANG
LaF#3: Searching for a Princess #Wattys2015
ActieFrom the story of "Lost and Found" and " 92 Days with the Princess" came the story of "Searching for a Princess". It is the third series of " Lost and Found" where Austin the eldest son of Yanna and Aston lost himself after the incident where his...