CHAPTER 2

2.4K 41 2
                                    

HALOS DALAWANG linggo akong 'di nakapasok at ang masasabi ko lang, parang pagong ang bawat oras. Ang bagal tapos bagot na bagot pa ako. Gustong-gusto ko nang pumasok kaso 'di pa puwede! Miss na miss ko na si Francis, gusto ko na ulit makita ang napakagwapo niyang mukha! Pero miss niya na rin siguro ang presensiya ko roon sa school. Sana, Steffie, sana. 'Buti na lang dinadalaw ako lagi ni CM at lagi siyang may dalang pagkain. Nawawala niya rin ang lungkot ko pero mas masaya pa rin kung makikita ko si Francis. Siguro makita ko lang siya mawawala na ang sakit ng paa ko. Pakiwari ko lang!Inalagaan din ako ni Mama. Binantayan niya ako sa loob ng dalawang linggo, suwerte ko sa family ko.

"So kumusta naman sa school?" Nakangiti kong tanong kina Timme at Marie, ano kayang nagbago kay Francis? Cool pa rin kaya siya?

"Kasi ano eh," hindi masabi-sabi ni Timme. Ano kaya'ng gusto niyang sabihin at nauutal siya?

"Ano iyon?"Tanong ko ulit habang nakangiti. Hindi naman kasi ako mahilig sumimangot kaya lagi akong nakangiti. Maganda 'to para hindi ako matandang tingnan. Nakakabata 'pag ngumiti.

Tiningnan lang nila ako at hindi maipinta ang mukha nila. 'Di ko alam kung worried ba sila o natatae lang! Hay naku, mga kaibigan ko talaga!

Hindi ko na lang pinansin iyon sa halip naglakad na lang ulit ako habang nasa taas ang kamay.I'm so free! Hindi na ako nakakulong sa bahay at makikita ko na si Francis of my life.

"Takpan mo na lang tenga mo mamaya ok?" Sabi nila.Ha? Ano'ng ibig nilang sabihin?

"Bakit naman?" Tanong ko pero hindi na sila kumibo pa. Pakiramdam ko may nagbago sa kanila. Masyado yata silang tahimik at hindi nila masagot tanong ko. Hindi ko na lang ulit iyon pinansin. Naglakad na lang ulit ako ng makapasok ako sa school.

Pinagtitinginan ako, anong meron?

Wow sikat na yata ako gaya ni Francis.. Anong nangyari?

"'Diba siya' yong nasa class 3-G na papansin daw kay Francis?"

"Tama ka, siya nga. Hiyang-hiya naman ako sa height niya!" Nakita ko pang tumawa 'yong isang babae. Ang sama naman nila.

"Mukha bang papansinin siya ni Francis? Nakakatawa naman class 3-G? BOBA!" Talagang nilakasan pa noong isang babae 'yong pagkasabi niya ng Boba. Nakakairita na sila ah!

Saka ano'ng akala nila hindi ako papansinin ni Francis? Hindi lang nila alam, kinausap niya na ako noong first day of school, Bleh. Mainggit sila kasi nga kinakausap ako ng taong mahal ko. Letse, mga inggitera!

"'Yaan mo na sila, mga wala lang yang magawa sa buhay nila." Bungad naman sa amin ni CM. Ano naman kung pag-usapan nila ako. The hell I care?!

"Ayos lang iyon. Atleast, pinansin naman niya ako dati." Nakangiti kong saad sa kanya. Nakapanganga na lang sina Marie at Timme sa sinabi ko. Siguro nagtataka sila kung bakit hindi ako napipikon o apektado man sa tsismisan sa school. Naku ayos lang, wala naman sa vocabulary ko ang salitang masaktan eh. Sa katunayan masaya nga ito eh. Atleast siguro nakatulong itong bulungan na to para lalo akong mapalapit kay Francis. Wow, nakakatuwa naman sila. I'm so happy!

Huminto ako sandali nang makita si Francis. Nakatayo lang siya sa may pine tree. Kilala niya na kaya ako?

Naglakad ulit kami at nadaanan namin si Francis. Pero ni tingnan ako hindi niya ginawa. Hindi niya ako maalala? Bakit?

"Hoy, maputol leeg mo!" Napansin rin pala nila na kanina pa ako nakatingin kay Francis. Na-miss ko kaya siya. Dalawang linggo rin kasi na hindi kami nagkita! Haist! Ang lungkot naman 'to. Hindi ako namiss ng aking pag-ibig!

CHASING MY TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon