BAKIT pakiramdam ko ang tagal?
Bakit parang wala pa?
"Ano pang subject ang di mo maintindihan?"Agad na bumalik ako sa ulirat nang magsalita siya!
Naramdaman ko rin na nakanguso ako sa kanya. Napabagsak ako ng tingin dahil sa napahiya ako. Nag-i-imagine lang pala ako, akala ko totoo na. Nakakahiya ang ginawa ko. Parang gusto ko na tuloy magpakain sa lupa. Nakakahiya! Lagi na lang ito'ng nangyayari sa 'kin, minsan naiisip ko totoo ang imagination ko.
Nangmumukha akong tanga nito! Ano ba naman kasing pag-iisip ito? Akala ko tuloy totoo na yong imagination ko! You're insane, Steffie.Bulyaw ni konsiyensiya.
"Gutom kana ba, Francis? By the way ano kasi eh...pinagluto kita."Agad kong kinuha 'yong box na nasa bag ko na niluto kanina ni Timme.Ibibigay ko 'to kay Francis, para isipin niya na magaling ako mag luto ng adobo. Tinikman ko ito kanina at sobrang sarap. Sana makalimutan niya yong kahihiyan na ginawa ko kanina at sana mainlove na siya sa 'kin at maging kami na.
Nakakabaliw isipin.
"Para sa'n?" Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Lalo akong nahihiya! 'Di ko pa rin binababa ang kamay ko. Sana kunin niya.
"Sa pagtuturo mo sa akin."Nakangiti pa rin ako, nangangalay na nga kamay ko kaso 'di pa rin kinukuha.
"Di kana dapat nag-abala pa." Inayos niya na ang gamit niya saka tumayo at umalis na, naiwan akong nakayuko habang nakalahad pa rin ang kamay dahil sa inaabot ko sa kanya ang box.
Hindi niya kinuha ang binigay ko!
Sayang, siguro nahihiya pa rin siya sa 'kin. Dapat hindi kasi magiging girl friend niya lang naman din ako e. Nag-pout na lang ako saka inilagay ang box sa bar ko.
"Wait, Francis!" Tumakbo na ako at sumunod sa kanya, pero siya hindi man lang lumingon. Pa-hard to get pa kasi e.
"Francis sabay na tayo."
"Puwede ba,babaeng walang utak, lubayan mo ako. Ayaw kong may makakita na kasama kita." Pakiramdam ko na freeze out ako, para akong sinampal sa sinabi niya.
Babaeng walang utak? Ganoon ang tingin niya sa 'kin?
Ganoon niya ba kaayaw sa babaeng walang utak? Bakit ang sakit? May kung ano'ng kumirot sa parteng dibdib ko. Gano'n na ba ako kabobo para sabihan niyang gano'n?
Bakit?
Naramdaman ko na lang na hindi na pala ako sumusunod sa kanya, nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko magawang magalit. Kasi ako naman ang kusang lumalapit sa kanya, simula't sapul alam ko naman na ayaw niya sa babaeng hindi matalino. Ayaw niya sa mga babaeng 'tulad ko! Pero susuko na ba ako? Pero tingin ko, malapit na ako eh. Kung saan malapit ko na siyang pahulugin doon pa ako susuko? Aba'y hindi tama iyon para sa 'kin!
DALI- DALI na akong lumabas ng klase ko, hindi ko ulit makakasama ngayon ang mga kaibigan ko. Second day ko kasi na kasama si Francis, excited nanaman akung makita siya, excited akong maamoy ang pabango niya, excited akong makita ang maamo niyang mukha. Gosh! I'm dying. Kinalimutan ko na lang ang nangyari kahapon tutal mas importante naman ang ngayon kaysa kahapon. Sabi nga ni Mama, dapat positive lang. Kaya lagi akong positive eh, mapa-negative man ang sitwasiyon.
"Good morning, sir Francis."Gaya ng dati nakangiti pa rin ang bati ko sa kanya, hindi na ako naghintay na sumagot siya. Umupo na lang ako sa pwesto ko kung saan ako nakaupo kahapon, alam ko naman kasi na hindi siya sasagot sa bati ko sa kanya.
Kahit sobrang sungit niya at snob, masakit man siya magsalita ayos lang, ang mahalaga nakakasama ko siya kahit minsan.
"Oh," ibinigay niya sa 'kin bond paper, exam 'yon. "Kailangan mong masagutan lahat ng iyan sa loob ng isang oras." Hala? Napatingin ako sa papel na binigay niya sa 'kin. Tinu-torture niya ba ako? Sa tingin ko limang page ang binigay niya sa 'kin, sasagutan ko ito? Anong isasagot ko rito?
BINABASA MO ANG
CHASING MY TUTOR
RomanceIs love only seen on how people show it? Steffie Chua believed na kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Gumawa ka ng paraan to make the one fall in love the same way you did. Lahat ginawa niya para lang makuha ang lalaking guston...