CHAPTER 6

2K 37 3
                                    

MAAGANG- MAAGA akong nagising, kailangan kong ipagluto si Francis. Hindi na rin ako papasok para mabantayan ko siya, mas kelangan niya ng bantay ngayon! Buong magdamag din akong 'di nakatulog, oras-oras kong sinisilip si Francis, nakakahinga ako ng maluwang tuwing nakikita ko siyang maayos na.

Nagluto ako ng itlog, bacon, ham at tocino, pinagluto ko rin siya ng soup. Pero sabi ko nga wala na akong ginawang tama kaya sorry nalang sa lasa. Iyong itlog naman sunog. Sorry naman! 'Di nga marunong,'diba?

"Goodmorning, Francis. Maayos na ba pakiramdam mo?" Agad kong tanong sa kanya at lumapit para hawakan siya sa noo pero umilag agad siya.

"Ayos na ako."Iyon lang tangi niyang sinagot at umupo na para kumain, ang guwapo niya talaga kahit bagong gising. Kahit gulo ang buhok maganda pa rin ang bagsak. Kung ganito ang makikita mo sa umaga puwede ka nang mamatay!

"Huwag mo akong titigan, nakakawalang gana 'yang pagmumukha mo."Aray! Tsk. Suplado niya! Kailan ba naman hindi?

'Di ko na siya pinansin, kumain nalang din ako ng agahan ko! Hindi niya man lang pinansin 'yong itlog, ham, bacon at tocino, nagsoup lang siya. Kahit papano natuwa ako kasi hindi siya nagreklamo, siguro gumagaling na rin ako sa kusina.

"Salamat." Ano raw? Agad akong napatingin sa kanya, nagpasalamat siya? 'Di nga? Katapusan na ba ng mundo?

"Ahe. Welcome, para talaga yan sayo, kasi pa—"

"Okay na. Daldal mo."'Di niya na ko pinatapos. Ayos talaga siya!

Maya-maya pa tumayo na siya at pumasok sa CR. Ako naman tumayo na rin at nagligpit, para akong yaya niya pero ayos lang. Masaya akong pagsilbihan ang taong mahal na mahal ko!

"Oh, bakit ka naligo? Kagagaling mo lang ah? Papasok kana agad?"Sunod-sunod kong tanong sa kanya ng makitang naligo siya, baka mabinat siya. Saka bakit naligo siya? Ang pasaway niya talaga. Hindi man lang siya nag-abalang sumagot, sa halip dumiretso na siya sa room niya. Pagkatapos ng ilang minuto lumabas na siya na nakaschool uniform.

"Hoy, Francis, bakit nakabihis ka? Papasok ka ba talaga?" Baka mapa'no siya 'pag nagkataon. Kagabi lang kasi ang taas ng lagnat niya. Mas kinakabahan pa ako kaysa sa kanya.

"'Wag mo na akong hintayin sa likod ng school. Dito nalang kita sa bahay tuturuan." Pagkasabi niya niyon lumabas na siya, sa sinabi niya pakiramdam ko lumundag na ang puso ko sa tuwa.Iyong bigla siyang bumait, tuturuan niya ako. Gosh! Hindi na niya na ako susumbong kay Ma'am De Leon at hindi na ako babalik sa second year!

Napapangiti ako ng hindi oras.

Dali-dali na akong naligo. Kailangan kong pumasok para kahit papa'no ay mabantayan ko sa malayo si Francis. I'm his invisible guard now. Kailangan ko siyang alagaan sa abot ng aking makakaya.

"Good morning, Steffie."Tuwang- tuwang bati sa 'kin ni Marie. Steffie pala pangalan ko nakalimutan ko kasi sa tuwing si Francis kasama ko laging babaeng walang utak tawag niya sakin eh.

"Good morning din, Marie," sabay na kaming pumasok sa classroom habang si Timme naman busy na rin sa pagbabasa.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Timme?" Seryoso kong tanong. Isang himala kasi ang makita si Timme na nagbabasa, class 3-G nga kasi kami. Classroom ng mga boba at bobo.

"Nag-aaral, kailangan ko ito." Ngumiti lang siya habang basa pa rin ng basa, nagbago na ba si Timme? Pano kung ako din?

Nakangiti akong nagbuklat ng libro, kailangan ko ring makabasa kahit papano ng mga lessons namin para naman makasagot ako sa quiz. May ma-missed na akong dalawa at hindi na puwedeng ma-miss ko pa ang iba.

CHASING MY TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon