MAAGA akong nagising ngayon, pagluluto ko si Francis. Kailangan maimpress siya sa 'kin. Kung bobo man ako sa school puwes dapat matuto ako ng mga gawain bahay para magustuhan niya na ako ng lubusan.
Nandito na pala ako sa bahay nila. Kakaunti na lang naman ang kinuha kong gamit sa boarding house, hindi ko na rin sinabi kila Mama na kasama ko sa bahay ay lalaki. Pero sinabi ko sa kanya na lumipat na ako ng boarding house. Magagalit kasi 'yon kapag nalaman niya, pero alam ko naman limitasyon ko bilang babae at may tiwala naman sila sa 'kin.
"WAAAAHH!!!" Nagtatatalon ako habang umiilag sa mantika na tumatalsik sa balat ko! Gosh ang sakit!
"Ano'ng amoy yan?"Hala gising na siya? Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makabuo kahit isang matinong itlog. Lahat sunog, ayaw kasi sa 'kin ng kusina eh. Nakakalungkot, 'di ba?
"Eh—kasi Francis, ano. Sorry..." Napahawak ako sa bibig ko, palpak nanaman ako ngayon. Palpak sa school, palpak pa sa gawaing bahay.
"Balak mo bang sunugin ang bahay ko? You're a pain in the ass, umagang-umaga nakakabwisit ang makikita ko!" Inagaw niya sa 'kin ang siyansi at siya na ang nagluto.
Pinanuod ko lang siya habang nagluluto, ang gwapo niya magluto. Binalewala ko na lamang ang pagsermon niya sa 'kin. Mahal ko siya eh.
Kahit sa bahay masinop siya, malinis gumawa at halatang bihasa na siya sa mga gano'ng bagay!
Ang suwerte ko 'pag nagkataon, magiging asawa ko magaling sa kusina.
Natapos na rin ang mala fairy tales niyang pagluluto, para akong prinsesa na pinagsisilbihan ng prinsipe!
Umupo na ako sa mesa ng makitang umupo na rin siya, kakain kami ng sabay, nakakatuwa. Para kaming mag-asawa!
"Ako na lang ang kakain ng sunog."Nakangiti kong sabi sa kanya, kinuha ko na 'yong sunog na itlog saka ko kinain, masarap naman kahit sunog ei.
Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain, ang cool niya talaga!
Tapos ang hinhin niya kumain, ni wala nga akong narinig na ingay mula sa plato niya!
Lalo tuloy akong na-i-inlove sa kanya.
"Tapos kana?"Tanong ko sa kanya ng makita ko siyang tumayo, bilis niya namang kumain. Samantalang ako wala pang kalahatian.
"Sa susunod 'wag mo kong tititigan kapag kumakain. Nakakawala kang gana." Hindi na siya lumingon, dumiretso na lang siya sa CR at maliligo na siguro. Nawalan siyang gana dahil sa 'kin? Haist. Ang palpak ko talaga!
Kumain na lang ako mag-isa at naghugas na rin, marunong naman kasi ako maghugas. Mag-isa rin kasi ako sa boarding house na tinitirhan ko, pero hindi ako nagluluto, more on orders lang ako at kung minsan dinadalhan ako ng mga kaibigan ko.
Napalingon ako sa orasan, 6:15 pa lang, 7:00 pa naman ang pasok ko. Maaga pala siyang magising, parehas kami.
Kaso ang pagkakaiba, siya matalino, ako bobo!
Pinanuod ko lang siya habang naglalakad papasok sa kuwarto niya. Kasama ko na siya sa iisang bubong pero parang ang layo ko pa rin sa kanya, kaso ayos lang. Madami pang oras para mapalapit siya sa 'kin at hindi ako susuko, I'll make him fall in love with me.
"'Wag na 'wag mo akong kakausapin sa school, nakakaintindi ka?" Sabi niya pagkalabas niya pa lang ng kwarto, ang cool niya. Ang bango-bango pa. Pakiss nga, mahal!
"Pa'no mo ako i-tyu-tutor?" Tanong ko naman sa kanya. Kasi kung 'di ko siya kakausapin sa school pano naman ako?
"'Diba sabi ko hindi na kita i-tyu-tutor?" Sineryoso niya 'yong sinabi niya? Pa'no na ako?
BINABASA MO ANG
CHASING MY TUTOR
RomanceIs love only seen on how people show it? Steffie Chua believed na kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Gumawa ka ng paraan to make the one fall in love the same way you did. Lahat ginawa niya para lang makuha ang lalaking guston...