PALAKAD-LAKAD lang ako habang nagiisip.
Hindi ko pa nagawang sagutin ang tanong ni CM. Ayaw kong pumayag sa kundisiyon niya. Masisira ang buong plano ko 'pagnagkataon! Pa'no na ang ipaghirapan kong mapalapit kay Francis kung layuan niya na ako?
"Tandaan mo, Steffie, magagalit sa 'yo si Francis kapag nalaman nila Marie ang tungkol sa pag-tu-tutor niya."
"Tandaan mo, Steffie, magagalit sa 'yo si Francis kapag nalaman nila Marie ang tungkol sa pag-tu-tutor niya."
Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni CM. Pa'no na ba ito?
Maya-maya pa'y pumasok na si Francis sa bahay habang ako aligaga parin at lakad ng lakad. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabi ni CM bukas ng umaga niya daw dapat malaman ang sagot ko.
Kainis na CM 'yon, kaibigan ko ba talaga 'yon? Traidor talaga!
"Francis, 'yong kanina—" sinusubukan kung mag-explain pero di natuloy.
"Wala naman akong pakialam kung kayo na. Sana lang 'wag niya akong pag-initan pag nalaman niyang nakatira ka sa bahay ko." Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at pumasok na sa kwarto.
Napanganga nalang ako!
Pano na ba ito? Bakit wala man lang siyang pakialam?
Ganoon lang ba 'yon? Akala ko pa naman dahil medyo magaan na pakiramdam niya sa 'kin ayos na ang lahat, 'di pa pala. Wala parin siyang pakialam!
"Hello, Tita?"Kausap ko ngayon si Tita Nicole. Tinawagan ko siya. I need to talk to her.
"Oh, Steffie. Bakit ka napatawag?" Aniya sa kabilang linya.
"Kasi po...galit po yata sa 'kin si Francis." Nahihiya ako kasi tanda ko na nagsusumbong pa rin ako. Kasi naman hindi ko maintindihan si Francis. Nalilito ako kung gusto niya ako o hindi.
"Naku! Ganyan talaga 'yan si Francis. Intindihin mo nalang. Sana maging maayos kayo diyan." Parang botong- boto talaga siya sakin.
Maka ilang kumustahan nag-decide na akong magpaalam!
Nagluto na ako ng hapunan namin. Pinagluto ko siya ng tinola. Sana magustuhan niya.
"Francis tara, kain na tayo."Gagawin ko ang lahat to make him fall inlove with me.
'Di man lang siya nagsalita, pero umupo na siya sa harapan ko at nagsandok na ng pagkain. Ang cool niya talaga! Ang cool cool niya!
FRANCIS
KAILAN ba siya magluluto ng pwede kong magustuhan man lang? Buti nalang nag-tya-tyaga ako sa luto niya dahil nag-e-effort naman siya at bukod don magsasayang lang siya ng pagkain kung 'di ko lang naman titikman.
"Francis, nagustuhan mo ba?" She's like no manners. She's talking while her mouth is full. Ang bastos para sa 'kin ang mga ganyan. And I don't like that kind of person. Lalo na't sa pamamahay ko pa?
Wala ako sa mood na sagutin ang tanong niya. Hindi ko ugaling magsalita kapag kumakain. Bukod do'n kapag kinausap ko siya forsure 'di na titigil ang bunganga niya katatanong! Ugali niya na 'yon. Kahit ilang linggo ko palang siyang nakakasama kilala ko na siya.
"Francis nagselos kaba kanina?"
"'Wag ka ngang mangarap diyan. Hinding-hindi kita magugustuhan. Hindi ako magkakagusto sa babaeng walang utak katulad mo."Oo pranka ako pero sa kanya lang naman ako ganyan. Habol ng habol sa 'kin, nagsarili na nga ako ng tirahan tapos may makikitira pa! Nakakasira ng araw-araw ang gaya nito.
BINABASA MO ANG
CHASING MY TUTOR
RomanceIs love only seen on how people show it? Steffie Chua believed na kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Gumawa ka ng paraan to make the one fall in love the same way you did. Lahat ginawa niya para lang makuha ang lalaking guston...