CHAPTER 9

1.9K 39 0
                                    

NAPATINGIN ako sa orasan ng magising ako, kaso napasigaw nalang ako ng makita ko kung anong oras na. It's already 8:30, may pasok ako. Late na ako. Bakit hindi ako ginising ng isang yon? Kainis! May exam pa ako ngayon, badtrip. Apat na subject ang exam ko ngayon, plus 'yong isa sa battery test, bukas naman ay 4 na subjects pa. Kapag hindi ako nakapag exam ngayon, baka matambakan ako bukas.

Babangon sana ako para magmadaling magbihis ng may makita ako sa table katabi ng kama ko, isang tray na may lamang pagkain, soup. Napangiti ako sa nakita ko. Pinaghanda niya ba ako?

Agad kong kinuha ang soup at hinigop ng dahan- dahan, parang ayaw kong ubusin 'yong pagkain, parang gusto kong itago sa baul at 'wag nang kunin, parang isang kayamanan ang nakuha ko galing sa kanya.

Habang kumakain ako, may napansin din ako isang papel na nakapatong sa isang box at parang familiar sakin ang box na yon. Agad kung binuksan at binasa.

[Wag ka nang pumasok, ako na bahala ma- excuse sayo. Kumain ka at uminom ka ulit ng gamot, sayo na yang cake na binake ko, nalawayan mo na yata yan]

Napangiti ako sa sulat niya, nag-aalala talaga siya sakin. Sign na ba ito ng pagkakamabutihan namin at papunta na kami sa stage na pinapangarap ko?

Kinuha ko yong box at saka niyakap.

Mahigit ilang minuto ko ring yakap 'yon ng naisipan kung buksan at balak kainin pero sobra ang nagulat sa nakita kung sulat.

Ang pagkakatanda ko na nakalettering sa cake kahapon is "HOPE YOU LIKE IT" pero ngayon ang nakikita ko sa cake ay ibang word.

Napangiti ako, hindi 'yong nalawayan ko na ang ibinigay niya sakin. Kundi gumawa siya ng special.

Unti- unti kong kinain 'yong icing na nakalettering na "SORRY STEFFIE" habang kilig na kilig, kung pwede lang 'wag ko na ngang kainin gagawin ko, kaso hindi naman pwede kasi mapapanis.

Hindi ko lubos maisip na ang katulad ni Francis magagawa ang ganito sakin, hindi ko maiwasang hindi mapangiti, isipin na nilang nababaliw ako pero talagang nakakabaliw ang ganitong feelings.

After kung kumain lumabas na ako ng kwarto upang mag bihis, kailangan ko rin maligo, pero sabi ng mama ko wag daw akong maliligo kapag may period, baka daw mabaliw ako pero di naman yan totoo. Diba?

Nakatulong din ang gamot na ibinigay ni Francis, nawala ang sakit ng puson ko, parang normal nalang ang nararamdaman ko. Sana pumasok nalang ako, sayang ng namissed kong lessons.

Ilang oras din akong nagbasa ng mga lessons bago ko mapansin na tanghali na pala at kailagan ko nang magluto ng makakain ko, ipagluluto ko narin si Francis baka sakaling kumain siya.

Ilang sandali pa ng makita ko na siya na pumasok ng bahay. Ngumiti lang ako sakanya, siya naman gaya ng dati hindi naman ngumiti pero hindi rin naman irita 'yong aura niya, ayos na 'yon sakin. Masaya na ako sa ganoon.

"Tara Francis, kumain na tayo" alok ko sa kanya, lumapit din siya sa mesa at inilapag ang dala niyang plastic, may dala siyang pagkain na good for two. Napangiti ulit ako. Dinalhan niya akong pagkain. "Kainin narin natin yang dala mo" nagnod lang siya.

Tahimik lang siya habang kumakain, ewan ko ba kung bakit, paminsan- minsan sinusulyapan ko siya at lalo akong naiinlove. Hindi ko alam kung bakit ganoon ko nalang siya kagusto.

"Ah Francis, salamat pala sa breakfast in bed at don sa cake, ang sarap talaga. Pati do'n sa gamot salamat, nawala sakit ng puson ko" hindi ko kasi alam kung sa'n ako magsisimulang mag thank you.

"Ang daldal mo, sige na pumasok kana sa kwarto mo at ako na ang magliligpit ng mga 'yan" nag-oo nalang ako, kinikilig ako sa kanya, kahit papano gumagawa siya paraan para hindi ako mahirapan at sobra akong kinikilig.

CHASING MY TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon