CHAPTER 10

3.1K 89 25
                                    

LUMINGON pa ako sa pinto ng unit niya, ang hirap iwan. Kahit papa'no napamahal na sa 'kin ang condo niya. Masaya ako na kasama ko siya. Ang hirap para sa 'kin na gawin ito pero kailangan kasi eh.

Hindi ko makakalimutan 'yong mga alaala dito, yong mga frames na minsan ko nang pinunasan kapag nakakakita ako ng alikabok, 'yong lababo na minsan nabasagan ko nang baso pero hindi ko nalang pinakita, 'yong CR na minsan na akong nadapa dahil maraming sabon. Lalo na 'yong kwarto niya. Dalawang beses lang ako nakapasok do'n pero hindi ko na 'yon makakalimutan.

Umasa ako sa lahat. Umaasa ako na gusto niya ako, umasa ako na magugustuhan niya ako ng paunti-unti, umasa ako na darating ang oras na mahal niya na ako pero lahat ng 'yon akala ko lang.

Lahat ng bagay positive ako pero dapat pala hindi. Dahil may mga bagay na hindi ko makukuha. May mga bagay na hindi para sa 'kin.

Agad akong niyakap nila Timme at Marie ng ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa 'kin, tinawagan ko sila, sinundo rin naman ako sa harap ng condo.

"Kelan ka pa nakatira roon?" Tanong ni Timme habang pinauupo ako sa sofa, hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak.

"Puro ka kasi lihim sa amin." Sinumbatan pa ako ni Marie.

Hindi ako sumagot, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko matanggap na umalis na ako roon, malapit na malapit na ako sa katotohanan tapos bigla babalik ako sa dati.

Dati halos hindi ko siya maka-usap, 'yong dati na hanggang tingin lang ako. Sobra akong nasasaktan dahil lahat ng pinaghirapan ko nawala na.

Dumating din si Carl Mike, c-in-omfort niya ako. Masaya ako dahil kahit papano may mga kaibigan akong gaya nila. Maalaga sila sa'kin. Kahit kailan hindi nila ako iniwan sa ere. Sa katangahan at sa kalokohan kasama ko sila.

LAHAT kami halos nabigla ng dumating ng resulta ng exam. Pasado ako sa battery test. Isa pa ro'n naging highest din ako sa mga subjects ko.

Gusto ko mang ikuwento 'yon kay Francis pero wala na akong karapatan pa na makausap siya. Galit siya sa 'kin, hindi ko alam ang rason niya pero sana makayanan ko na hindi na gawin 'yong nakasanayan ko. Sana kahit papa'no maka-move on ako.

Siguro nga hindi kami para sa isa't isa.

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng cafeteria nang pumasok si Francis. Nandito kasi kami nakaupo malapit sa may counter upang mag merienda. Gumilid ang luha ko sa nakita ko.

May kasama siyang babae, kilala ko 'yon. Leader siya ng cheering squad na hindi niya rin classmate. Nasa class 3F 'yon alam ko.

Yumuko ako saka do'n humagulgol. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit, mas masakit pa ito sa lahat.

Hindi naman ako iyakin pero ngayon bakit ganito? Akala ko ba ayaw niya sa mababa ang lebel ng pag-iisip?

"Ayaw niya lang talaga sa 'yo, friend. Kasi ang bobitang sipsip nga'ng iyon pinatulan niya e," tumakbo ako palabas ng cafeteria.

Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na nang mga nangyayari. Hindi ko na kaya.

Pumunta ako sa office nagpaalam ako na sa Monday na ako ulit papasok, buti nalang pinayagan ako. Siguro dahil naipasa ko naman ang exam ko.

Tumakbo ako hanggang sa makarating sa dati kong boarding house. Umupo lang sako sa labas saka doon umiyak ng umiyak. Sobrang sakit na, hindi ko na kaya.

"Umuwi kana muna kila Mama mo Stef, mas matutulungan ka nila." Napaangat ako ng ulo ng marinig ko si Carl Mike, sinundan niya pala ako. Napatango nalang ako.

Siguro tama nga sila, siguro kailangan ko nang makausap sina Mama. Gusto ko rin sanang makahingi ng tawad dahil hindi ko sa kanila nasabi ang paglipat ko.

CHASING MY TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon