CHAPTER 3

2.2K 35 0
                                    

"Hi, ikaw pala ang tutor ko. Hehehe, nice to meet you, sana maging close tayo. Kilala na kaya kita!"Ang guwapo niya sa malapitan, tapos super bango niya nakakamatay!

Sisipagin talaga akong pumasok knowing na siya ang makakasama ko kapag vacant ko. Gosh! Mababaliw talaga ako. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya, pero hindi na siya nag-abalang magpakilala sa 'kin o kamayan man lang ako. Nang mapansin kong wala siyang balak binawi ko na lang kamay ko. Siguro naiilang lang siya o nahihiya. Gosh. Mahiyain siya. Naku. Baka crush niya ako? Crush niya nga rin siguro ako.

"Give me your schedule." Malamig niyang sabi at iyon lang ang lumabas sa bibig niya, ni hindi nga siya nag-abalang tingnan ako. Pero dapat tumingin siya sa 'kin ng makita niya kung gaano ako kacute! Nagpapacute kasi ako sa kanya eh!

"Huh? Schedule ba? Ano'ng sabi mo?"Pag uulit ko. Sa sobrang imagine ko sa kanya,' di ko narinig sinabi niya. "Schedule ba? Ano kasi—ei, ano..." Nauutal ako. Pa'no ko ba sasabihin na hindi ko alam ang schedule ko? Pano ko sasabihin na hindi ko memorize?

"Bigay mo na lang sa 'kin schedule mo mamayang uwian." Tumayo na siya at tumalikod sa 'kin pero bigla naman siyang huminto."And before that, ayaw kong may makakaalam na tinuturuan kita!"Tumango ako at umalis na rin siya. Naiwan akong nakangiti, ayaw niya may makaalam. Gusto niya secreto lang namin. Kinikilig ako sa banat niya! Oh my gosh he's so sweet.

Mamayang uwian daw, so magkikita at maguusap pa kami mamaya. I'm so happy!

"Ano'ng pinagusapan niyo ni Ma'am?" Agad na salubong sa 'kin nina Marie at Timme, hala bawal daw sabihin?

"Hindi ko puwedeng sabihin, sikreto lang kasi eh." Kilig na kilig kong sabi sa kanila. Pwede na akong kunin ni Lord ngayon na. Mamayang uwian, magkikita kami. Kinikilig ako!

"Ah sige. Tara break time na," yaya sa 'kin ni Timme pero pinigilan ko siya!

"Timme, 'di ba maganda sulat mo? Puwede mo bang isulat ang schedule natin? Iyong pinakamaganda ah? Bili kita foods, libre ko."Para namang lumiwanag ang buong mukha niya sa sinabi ko. Mukhang libre talaga siya, pero ayos lang maubos pera ko basta maganda ang magagawa niya sa 'kin, para di naman maturn off sa 'kin si Francis. Lahat talaga gagawin ko alang-alang kay Francis.

"Talaga? Sige-sige. Ano'ng kulay ng ballpen ang gagamitin ko?" Yes pumayag siya, maganda kasi sulat ni Timme, kumpara sa 'kin. Ang sulat ko parang may sariling font, hindi maintindihan.

"Gamitan mo ng color pen para mas maganda at makukay!" Nakangiti kong sabi, um-oo na lang siya. Ako naman pumunta ng cafeteria upang bumili ng foods naming tatlo.

Patalon-talon pa akong maglakad. Masayang- masaya talaga ako. Nakatulong din pala ang pagkapilay ko, kasi ngayon makakasama ko na si Francis. 'Tapos baka kapag nabiyayaan niya ako ng talino makapasok na rin ako sa star class, oh, 'di ba? Magic? Oo ganyan daw ang love, parang magic.

"Oh Steffie?"

"Ay kabayong walang t—"Agad akong napatakip ng bibig ko dahil sa nasabi ko, anong kababuyan ba ang lumabas sa bibig ko? Hindi naman yon ang expression ko eh. Sa'n ko ba nakuha yon? "Ba't ka ba nanggugulat, CM?" Tanong ko kay CM ng makumpirma kong siya ang humawak sa baywang ko!

"Mag-isa ka kasi. Balita ko magtututor sa 'yo si Francis. Ako sana 'yon kaso pinalitan, Sayang, 'no?" Disappointed niyang sabi. Mabuti kaya 'yon para kasama ko siya. Sabi ng isip ko!

"'Wag mo ipagsabi kina Marie at Timme, okay? Bawal!"Sabi ko naman at hinigit siya sa may dulo na parang may binubulong na importanteng bagay.

"Ok sige sige. Sa isang kondisyon?"Ay madaya. Madaya talaga!

"Ano 'yon?" No choice ako. Kailangan ko siyang pagbigyan para hindi magalit at masira ang pangako ko kay Francis.

CHASING MY TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon