HANGGANG DITO KA LANG!

50 0 0
                                    

HANGGANG DIYAN KA LANG! HANGGANG DITO KA LANG! -----> bakit ba kasi nauso ang salitang yan?

"Hi! ako nga pala si Juan/Juana! ..... sige hanggang dito nalang paalam! :)"

o kaya sa jeep ....
"manong aabot ba kau sa kanto?"
Driver: "ay hindi ee! hanggang dito nalang"

Sa Inuman....
"Pre paubos na ang alak, babaan natin ang tagay hanggang dito nalang"

Sa school...
"Tapos na ang klase! Hanggang dito nalang"

Sa signal ng pocket wifi...
"Hindi na aabot sa kabitbahay ang signal, Haggang dito nalang"

Pag umiinom at may kahati ka....
"Pre wag mo ubusin"
 Tropa: "konti nalang hanggang dito nalang"

Pag papasok sa trabaho o iskwela...
"Sige na papasok na ako, hanggang dito nalang"

Pag may guard...
"Sir/Mam bawal po diyan.. Hanggang dito nalang"

pag magsuswimming...
"Oh bawal magswimming sa malalim, hanggang dito nalang BAKA MALUNOD KA" .....

OO BAKA MALUNOD KA!! Wag ka magswimming sa malalim nako baka MALUNOD ka kaya kung pwede HANGGANG DITO NALANG!

Pero matigas ang ulo mo. Dahil gusto mo makaramdam ng mas masarap na paglangoy: Lumangoy ka hanggang sa malalim at ayun sumigaw ka
TULONG! TULONG! At nalunod ka,
biglang may lumangoy palapit sayo para iligtas ka
at sabay sabing: "dapat NAKINIG KA!"

Napatitig ka sa kanya at parang lumutang ka sa kabayanihan nia.

Ikaw: "Mahal kita ee pwede ba?"
Siya: "Oo pwede! Tayo na?."
Ikaw: "Oo Sige Tayo na!"  
  Paglipas ng ilang oras, araw, buwan o taon: ...
Siya: "Ooops hindi na kita mahal hanggang dito nalang!"

Tapos iiyak iyak ka! Dapat kasi NAKINIG KA.

Dapat nakinig ka sa salitang HANGGANG DITO NALANG

Tumakbo ka papalayo habang ikay umiiyak.
May sumigaw na manong "Wag kana aabot sa dulo HANGGANG DITO KA NALANG baka MAHULOG KA!"

Habang tumatakbo TAKBO! TAKBO! Bigla kang nadulas at nalaglag at nahulog sa mataas na bangin. Maswerte ka dahil ikaw ay nasalo ng isang tao at sabay sabi sayong "DAPAT NAKINIG KA"

At dahil NAHULOG ka sa taong yun mula sa taas, bigla mo siyang tinanong:

"Mahal kita ee pwede ba?" 
Siya: "sorry meron na akong iba, hanggang dito nalang.... 
...sa susunod magingat ka para hindi ka na ulit mahulog sa iba . 
dapat MAKINIG KA..
Aalis na ako HANGGANG DITO NALANG uulitin ko MAKINIG KA"

Ikaw ay nalungkot umiyak sumigaw!!!! inom alak inom bisyo at kung anu anu pa.
Pinuntahan mo ang tropa mo , naginuman kayong dalawa.
 tropa: "Paubos na ang alak: babaan natin ang tagay HANGGANG DITO NALANG"

Napatitig ka sa kaibigan mo sabay sabing "Mahal kita ee pwede ba?"
 Siya: "Matagal ko ng sinasabi sayo magkaibigan lang tayo at HANGGANG DITO NALANG" ......

Matagal na pala niyang sinabi sayo ee dapat NAKINIG KA!

Pero hindi ka nakinig sa kanya.
Pinagsiksikan mo ang sarili mo sa kanya
dahil sinarado mo na ang puso mo sa iba

Binilhan mo siya ng mga gusto niya,
Wala kang pakialam kung maubos ang iyong pera
Lahat ng luho at mga magagamit niya binigay mo na sa kanya  
bili dito bili dun para sa kanya tangina.

Sabi ng nanay at tatay mo: 
"anak hindi sandamakmak ang ating pera
kaya ang mabibigay namin sayo ay HANGGANG DITO NALANG.
Payo namin sayo ay magtipid ka, makinig ka !
...Sa ngayon HANGGANG DITO NALANG."

Bumagsak ka sa iskwela
dahil ang oras mo nakatuon sa kanya.
sabi ng nanay at tatay mo: 
"Hindi ka muna namin pagaaralin. Sayang ang pangmatrikula mo HANGGANG DITO NALANG.. Sayang ang Pera, anak HANGGANG DITO NALANG"

Nakahanap ka ng trabaho pero hindi mo natutukan dahil sa taong yun . Sabi sayo ng boss mo "Kailangan na kitang tanggalin: HANGGANG DITO KA NALANG"

Isang araw nagaway kayo ng taong yun dahil sa pagkawala ng trabaho mo!
Sinisi m siya!
Nagalit ka! Nagalit siya!
 
Ikaw: "MAHAL KITA ! PERO BAKIT BINABALEWALA MO!!"
 Siya: "Gago kaba? Ilang beses ko ng sinabi sayo na dapat MAKINIG KA! Wala akong gusto sayo: Magkaibigan lang tayo at HANGGANG DUN NALANG! Dapat nakinig ka! Makinig ka: MAY MAHAL NA AKONG IBA! Aalis na ako HANGGANG DITO NALANG!"

Nalungkot ka!
Umiyak ka!
Sumigaw ka!
Nabaliw ka!
Nagkulong ka sa isang kwarto: naalala mo at narinig mo uli ang mga paalala sayo ng mga taong mahal mo:

"Makinig ka sa salitang HANGGANG DITO NALANG! HANGGANG DITO NALANG! HANGGANG DITO NALANG!"

Nanay at tatay mo nakausap ang doktor na gumamot sayo at ang sabi tungkol sayo

Doktor: "Pasensya na. Ginawa na namin ang lahat. HANGGANG DITO NALANG"

Putang ina dapat kasi talaga makinig ka!
Oo makinig ka dahil lahat ng bagay ay may limitasyon na nagbibigay sa atin ng paalalang HAGGGANG DITO NALANG.

... Hanggang kelan ba nakapasan sa buhay natin ang salitang HANGGANG DITO NALANG? Hanggat kasama ntn sa buhay ntn ng salitang yan hindi magkakaron ng WALANG HANGGAN.. Yang salitang yan ang salarin kung bakit nabuo ang salitang WALANG FOREVER.

Ang salitang HANGGANG DITO NALANG ay Pwedeng maging kakampi natin dahil sa walang kapaguran at walang sawa nitong pagbibigay sa atin ng babala at paalala pero minsan pwede rin natin itong maging kaaway lalo na kung hindi tayo MAKIKINIG sa kanya. Depende kung pano natin siya papakisamahan. .. simple lang naman ee MAKINIG KA.. oo Makinig ka sa kanya!

Ang salitang yan ay minsan ng naging traydor sayo: Nalunod ka sa tubig (sa pagibig) Nahulog sa bangin (sa pagibig) at Nabaliw (sa pagibig)

at dahil sa hindi ka nakinig sa kanya, pinatay kapa niya sa huli. Sabagay kahit saan naman kung hindi ka susunod at makikinig sa kanya talaga namang papatayin ka niya tulad nalamang sa EDSA, makikita mo ang paalala niya "Wag tumawid nakamamatay ..ibig sabihin : HANGGANG DIYAN KA LANG oo hanggang dyan ka lang kung ayaw mong MAMATAY!

Ang salitang yan ay lagi ntng naririnig at nakikita araw araw. Araw araw na nagbibigay ng babala at paalala. Minsan kakampi sila, minsan traydor, minsan naman pabitin: yung tipong ang ganda ganda ng pinapanuod mo sa telebisyon tapos biglang mapuputol at magiiwan ng paalalang ......

....."tapos na ang palabas HANGGANG DITO NALANG! ......

....... WAKAS! "



- Aaron F. De Guzman (ADG)

*Picture credit to Rocel Vallarta 
(Eye Photography)






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HANGGANG DITO NALANG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon