Chapter 17

1.9K 83 10
                                    

Lyan's POV


"Allain!!!!" Napatingin kami ni boss sa bruhildang babae na nasa harapan namin. Sinasabi ko na ba eh. Dadating talaga itong feeling girlfriend ni boss. Tumakbo siya papunta sa akin at bigla niya na lang niya ako sinampal. Ouch ang sakit nun ah! "How dare you b*tch!!!" Sigaw na sabi ni Tiffany dito sa harapan ko. Mabuti na lang talaga at kaming tatlo lang ang nandito sa car park. Ramdam na ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko dahil sa ginawa niya.


"Stop it Tiffy!" Pigil ni boss kay Tiffany. Hinawakan niya si Tiffany sa magkabilang braso para pigilan siyang sabunutan ako. Pasalamat ka at hindi ako tulad mo. Hindi ako war freak. Bumuntong hininga ako para maibsan yung kagustuhan kong isampal siya ngayon, as in now na!!


"Allain! How did you do this to me?" Naiiyak na sabi ni Tiffany sabay palo sa dibdib ni boss. Kumunot naman yung noo ni boss. Wow ah. Ngayon na ata mag-coconfess si Tiffany, sa harapan ko pa talaga. Ano kaya magiging reaksyon ni boss? Nakaka-excite!!! Para tuloy akong nanonood ng teleserye ng live version.


Nakahawak pa rin ako sa pisngi ko. Ang sakit pa din talaga eh!


"What? What do you mean? I don't understand you." Bigla namang niyakap ni Tiffany si boss. "Bakit ka nakikipag-date sa ibang babae na hindi ko alam? You should've told me sweetie baby."


Tinanggal ni boss yung mga kamay ni Tiffany na nakayakap sa kanya. Bumuntong hininga siya. Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin ni boss. "Tiffy, can you please know your limits? You're not even my girlfriend para pagsabihan pa kita kung ano yung bawat galaw ko. At may.. may mahal na akong iba." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni boss. Napatingin siya sa akin at nag-smirk..


Geez!! Alam ko na talaga yung plano ni boss.


Ang lakas ng pantritrip niya sa akin.


Gusto niya ata na kainin ako ni Tiffany ng buhay.


"Who Allain? Who?!?! Tell me!!!!!!!!!" Galit na sigaw ni Tiffany. Lumapit naman si boss sa akin at inakbayan niya ako. Good luck to me. "My PA.." Hinalikan niya ako sa pisngi kung saan ako sinampal ni Tiffany. Feeling ko tuloy mas naging pula yung cheeks ko dahil sa ginawa niya. Ang lakas ng heart beat ko.. Siguro dahil.... sa takot kung ano na ang mangyayari sa akin. Hindi na ata ako aabot sa pasko nito.


Bakit hindi ako makapagsalita? Feeling ko naputol yung dila ko. Hindi tuloy ako maka-angal. "No way!! Ako lang dapat Allain! Paano na yung mga fans natin? They want us to be together in the end. Masisira yung career mo kapag nalaman nila na magkakagusto ka sa isang... sa isang Personal Assistant lang!" Napalunok ako sa sinabi niya. Below the belt na yun ah. Ang sakit nung sinabi niya.


Magsasalita pa sana si boss ng inunahan ko na siya. "Excuse me Miss Tiffany, Oo personal assistant ako pero wag mo naman sanag lang-langin lang ang isang personal assistant. Marangal na trabaho yun at proud ako na isa akong personal assistant. Eh, Ikaw? Artista ka nga pero mas masahol naman sa aso yang ugali mo. Well, kung malaman kaya ng mga fans mo yang tunay mong ugali, baka[ ikaw ang mawalan ng career. Tsk." Sagot ko. Natawa naman si boss dahil sa sinabi ko. Geez! kanina pa pala siyang naka-akbay sa akin. Tinanggal ko naman yun at binigyan siya ng lagot-ka-sa-akin-mamaya-look.

His Personal Assistant [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon