Chapter 8

4.6K 196 17
                                    



Allain's POV


"Pupuntahan mo ba talaga siya?" Shit! Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun sa babaeng ito. Ramdam na ramdam kong pinagtitinginan kami ngayon. Tsss.



I quickly put my hand away from her.



Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Pinagtitripan mo na naman ba ako?" Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya para isipin niyang pinagtitripan ko lang talaga siya.


"Ganyan talaga si Allain. He loves to make fun stupid people, Right sweetie?" Kumapit si Tiffy sa braso ko. Nag-nod na lang ako sa kanya para matapos na.


Tinawag na kami ni Direk para sa last scene namin. Mabuti na lang at hanggang 7pm lang kami dahil konting scene lang ang ite-take sa mall.



Lyan's POV



"Boss, uuwi pala ako sa Sunday." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bintana. Nandito na kami sa sasakyan ni Boss at pauwi na sa mansion niya.



"Tsss. Edi umuwi ka." Kinakausap ng maayos tapos ganyan yung isasagot. Pektusan kita ngayon!


"Sino ba gustong makasama ka buong linggo?" Bulong ko sa sarili ko.



"May sinasabi ka?" Tanong ni Boss. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Sabi ko ang cute niyo." Ewww.


Nag-smirk naman siya sa sinabi ko. "Matagal ko naman rin alam na cute ako." Oo cute. Cute ilampus!


Hindi na lang ako sumagot kay boss kasi baka maitulak ko pa siya palabas sa bintana ng kotse dala ng sobrang inis ko.


"Ritch, Dumaan muna tayo sa starbucks coffee sa may ayala mall." Nag-nod naman si Kuya Ritch.



"May naalala kabang pangyayare sa starbucks coffee Ms. Ramos?" Kumunot naman yung noo ko sa narinig ko kay boss. Ano ba itong pinagsasabi niya.



"Ano yun?" Tanong ko. Wala talaga akong maalala at kung meron man hindi ko din alam kung yun ba yung tinutukoy niya.



Tumawa siya ng mariin. Psh! Nice answer. =______=



"That pilosopo handsome guy na naka-shades at cap." Natatawa niyang sabi.


Nanlaki naman ang mga mata ko (including the eyebags) sa sinabi niya.


His Personal Assistant [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon