Chapter 19

2.7K 94 38
                                    

Lyan's POV


Nandito pa rin kami sa sasakyan ni Boss, on the way na kami sa TV Station para sa 8 PM live interview niya sa GlamShow. Kanina pa nga ako nanginginig dito eh. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil makakasama niya si Tiffany sa interview na yun. Syempre dahil baka kung ano pa ang gawin niya at sa ugali nun hindi imposible na may gawin siyang hindi kanais-nais pagdating sa akin.


Kahit na man kasi na matapang ako, hindi pa rin ako mananalo dahil ang galing kayang umakting nung Tiffany na yun at sa dami niyang fans taob na taob na ako. Well, nevermind.


Ipinikit ko ulit yung mga mata ko at nagpatuloy na sa pakikinig ng radio sa earphones ko. Sorry lang, pang-poorkid kasi yung cell phone ko at radio lang ang pwedeng mag-play dito. Biglang nag-play yung bagong release song ni Knight my loves. Hihi. Ang ganda talaga ng boses niya, kahit araw-araw ko pa itong pakinggan never akong magsasawa.


Ay! Nakakainis naman. Bakit nag-stop? Tinignan ko yung cell phone ko at lowbat na pala siya. Hays. Sayang! Nasa chorus na ako eh! Hindi man lang pinagbigyan na tapusin yung kanta. Matutulog na lang muna ako kahit sandali.


"Sir, kamusta naman pala yung Enchanted Kingdom?" Rinig kong tanong ni Kuya Ritch. Nakapikit pa rin ako dahil ayoko ma-obvious ni Boss na nakikinig ako sa usapan nila. Ano kaya ang sagot ni Boss? Nag-enjoy yun for sure! Kasi ako, aaminin ko na nag-enjoy ako pati na rin dahil nakasama ko siya.



pati na rin dahil nakasama ko siya.

pati na rin dahil nakasama ko siya.

pati na rin dahil nakasama ko siya.



Paulit-ulit yun nag-rereplay sa utak ko na parang mababaliw na ako. HA?! No way! Bakit ang bilis ng heartbeat ko? Nag-aabnormal nanaman! Jusmiyo. Ano ba itong pinagsasabi ng utak ko!!



Erase. Erase. Erase.



"Ok lang." Wow? Medyo nakaka-hurt yun ng feelings ah. Ako nag-enjoy tapos siya ok lang? May pa-next time next time pa siya! Napilitan lang ba talaga siyang gawin yun dahil wala ng choice? Pero feeling ko naman na kahit konti nag-enjoy siya dahil kitang kita ko yun sa mga mata niya. Grabe naman siya. Hays! Nakakahurt ng feelings.


Ano?! Ako mahuhurt ang feelings dahil sa kanya?! No way! Kung hindi siya nag-enjoy edi hindi! Pakealam ko ba? Buhay niya yan at hindi ko responsibilidad na pasayahin yung buhay niya. Hindi dapat ako masaktan. Hindi!!!!


Kulang siguro talaga ako sa tulog kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Psh!


"Weh? Huwag ho sana kayo magagalit pero sa tingin ko mukhang nag-enjoy naman kayo. Hindi ba talaga kayo nag-enjoy kahit konti?" Sige i-push mo pa Kuya Ritch. Kasi kahit anong gawin mo kay Boss hindi yan marunong maging masaya at mag-appreciate ng mga maliliit na bagay.


Napatingin ako sa tabi kong Panda Stuffed Toy na binigay ni Boss. Ito kaya? Napilitan lang ba din siya?

His Personal Assistant [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon