Lyan's POV
Magdamag akong nakakulong sa kwarto namin ni Jane. Nasa living room daw kasi sina Boss kasama si Knight, yung direktor ng upcoming movie nila at yung bruhildang Tiffany na yun. Kahit gugustuhin ko man makita si Knight, wala naman akong choice kundi magstay dito dahil baka kung ano pa ang gawin ni Tiffany sa akin. Tiis ganda na lang muna.
"Bwisit kasi 'tong Allain Dela Rosa na 'to. Kasalanan mo 'to e. Sinali mo pa kasi ako sa gulo na 'to. Qiqil mo c aqoe." Sabi ko sa sarili ko habang tinutusok tusok yung unan ko gamit ang ballpen. Iniisip ko kasi na mukha ni boss yung nasa unan ko.
Bigla naman bumukas yung pinto at pumasok si Jane. "Uy Lyan, bakit hindi ka nalabas? Alam mo ba hinahanap ka ni Sir Knight. Close pala kayo? Swerte mo ha." Bungad niya sa akin.
Napangiti naman ako at niyakap bigla yung unan ko. Kilig nanaman c aqoe. "Talaga? Hinahanap niya ako?"
"Oo. Pati na din si Ma'am Tiffany." Sunod niyang sagot. Napalunok naman ako sa sinabi ni Jane. Ok na sana e, kinikilig na sana ako.
"Ganun. Sige hindi na lang talaga ako lalabas ng kwarto." Balak ko pa naman sana magnakaw ng tingin kay Knight. Bakit kasi hindi pa siya nagtetext sa akin? Hindi naman mali yung number na binigay ko ah, tatlong beses ko pa si-nave yung number ko sa cell phone niya with complete name and address ko pa. Nakakasad naman.
"Sige Lyan, lalabas na ulit ako. Sure ka dito ka lang sa kwarto? Narinig ko kasi na matatagalan pa yung pag uusap nila." Tumango lang ako kay Jane at sinabi na wag na siya makealam buhay ko to. Joke. Sinabi ko sakanya na kaya ko ng mag isa tutal sanay naman ako. Joke ulit. Yung totoo, sinabi ko sakanya na gusto ko muna magpahinga at lalabas lang ako mamaya kapag gusto ko ng lumabas.
Dahil wala naman din akong magawa sa kwarto na 'to, naisipan kong tawagan si Sitti para ikwento sakanya kung anong ganap sa buhay ko ngayon. Syempre, siya ang nangunguna sa listahan ko pagdating sa ganitong usapan.
*riiiing* *riiiiing*
"Hello Lyan! Musta? Ano nang ganap? Kayo na ba ni Allain?" Bungad niya sa akin. Tignan mo ito, crush niya si boss pero tinutulak niya sa akin. Kaasar ah. Nakakaderder isipin.
"Ok lang naman." Kwinento ko sakanya lahat ng nangyari mula kahapon hanggang sa araw na 'to. Tuwang tuwa siya with kilig nang nalaman niya na hiningi ni Knight ang number ko. Ang swerte ko daw kasi may dalawang gwapo at sikat na artistang nakikipagagawan sa akin. Ay sows! Napakasinungaling talaga nitong pinsan ko.
After namin mag usap ni Sitti. Napagdesisyonan ko na lumabas. Naisip ko kasi na bakit ako magtatago kung alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama, diba? Kasalanan ni Boss 'to at kung may gagawin man masama si Tiffany sa akin, si Boss ang dapat na managot kasi siya ang nagdala sa akin sa sitwasyon na 'to. At isa pa, hindi ko na kaya na hindi makita si Knight my loves. Kaso naalala ko bigla na ayaw pala ni boss na lumapit ako kay Knight kahit hindi ko alam kung bakit. Sige, sisikapin kong hindi lalapit kay Knight pero kapag ginulo ako ng Tiffany na yan at wala siyang ginawang aksyon para tulungan ako, magkakalimutan na tayo.
Inayos ko muna ang sarili ko at nagpaganda. Syempre, para kay Knight my loves. After kong mag ayos, bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng kwarto.
Dumaan muna ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Kailangan kong umipon ng lakas ng loob. Bakit kasi pinagsabay pa sila dito sa bahay ni boss. Sadyang mapaglaro yung tadhana. Psh!
"Oh... There you are..." Sabi ng babaeng ito with matching irap at taas ng isang kilay. Sino pa ba? Edi si Tiffany.
"Sige, aalis na muna ako." Naglakad ako palayo sakanya pero hinarang niya yung daanan ko. Naghahanap talaga ng away itong babaeng 'to ah. Ako, sinisikap kong lumayo at hindi palakihin ang gulo kahit deep inside gusto ko na siyang patulan pero mukhang sinusubukan talaga niya ang pasensya ko.
BINABASA MO ANG
His Personal Assistant [JaDine]
FanficMay chance pa kayang magkagusto ang masungit at antipatikong ARTISTA sa kanyang palaban at matapang na PERSONAL ASSISTANT? Meet Allain John Dela Rosa. Gwapo, Mayaman, Sikat pero may toyo sa utak. (Masama kasi ang ugali) Ito naman si Lyan Faye Ramos...