Chapter 4

5.4K 250 14
                                    

Lyan's POV



Nandito ako ngayon sa Almendez Restaurant. Exclusive restaurant ito para sa mga celebrities. Dito kasi kami magkikita ni Manager Ted at ni Allain Dela Rosa.



Ewan ko ba kung bakit kailangan pa ng letchugas na contract na yan! Hindi naman ako tatakas or what. May ganyan pa silang nalalaman. Psh!



Hindi na din nila ako pinadala ng resumé, May alam na daw kasi silang information about sa akin.



"Lyan Faye Ramos?" Napatingin naman ako sa kanya, Isang lalakeng nasa 20's siguro ang edad. Ang gwapo niya. Ano ba yan Lyan, kumekerengkeng ka nanaman!



Tumayo naman ako at nag-bow sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit ko yun ginawa basta trip ko.



Natawa siya sa ginawa ko at nag-bow rin. Gaya-gaya. -____- Umupo na kami.



Inilapag niya yung case niya sa table at binuksan ito. Kinuha niya yung brown envelope sa loob nito.



"Nasaan po pala si Sir Allain?" Sabi ko na lang kahit labag sa kalooban kong i-Sir siya.



Tumawa naman siya. "On the way na siya, Kagagaling lang niya sa isang photoshoot. Nakakaawa nga eh wala pa yung tulog."



Anong nakakaawa doon? Mas nakakaawa nga ako dahil wala akong pera, kailangan ko pang maging alila para yumaman. Hays!



"Here's the contract." Sabay abot niya ng kontrata sa akin.



Hindi ko masyadong naintindihan ang mga nakasulat dun. Deep english kasi.



"Sorry I'm late." Sabi niya sabay upo sa harapan ko.



Bigla naman ako napatingin sakanya.



Ngayon ko lang narealize,



Gwapo pala siya...



He smirked at me.



Ang yabang.



"So, Ikaw pala yung magiging Personal Assistant ko?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Sabi ko na nga ba, pahihirapan niya ako. Alam ko na yang mga titig at ngiti na yan.



Pwes, Hindi ako magpapatalo sa kanya. Nginitian ko siya. "Hindi mo pa ako Personal Assistant. Hindi ko pa pinirmahan ito." Sabay taas ng kontratang hawak ko.



"Pirmahan mo na." Command niya.



Wow ha! Nang-uutos agad! Hmmm. Tingnan natin.



"Ayoko. Bleh!" Sabi ko sabay belat sa kanya. Natawa naman sa amin si Manager Ted.



"Pirmahan mo na! Hurry up." Utos niya.



Kapal talaga! Hindi pa nga ako nag tatrabaho sakanya uutusan ako agad.



Binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. "Say please."



Nanlaki naman ang mga mata niya. Owl lang ang peg.



Umiwas siya ng tingin habang si Manager Ted ayun, namamatay na sa sobrang tawa.



"Bakit mamamatay ka ba kapag hindi ka nag Please?" Sabi ko sa kanya.



Hahaha. I'm having fun.



"Kailangan ba talaga?" Tanong niya sabay hawak sa noo niya.



Ang cute ng facial expression niya.



His Personal Assistant [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon