Chapter 3

4.8K 238 11
                                    

Allain's POV



"Gagawin ko ang lahat para sayo, Kasi mahal na mahal kita." Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi.



Hinawakan naman niya ang kamay ko. "Mahal na mahal rin kita, Johnny." Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa magbanggaan ang aming mga labi.



"Cut! Good job guys. Pack-up na tayo." Masayang sabi ni Direk.



"Psssst!! Allain!!" Napatingin naman ako kay Tiffy.



"Yes?" Nakangiting tanong ko sa leading lady ko.



"Can I invite you for a dinner?" Nakangiting tanong niya. Napakamot tuloy ako sa batok.



"Sorry, Next time na lang. I have some important matters to discuss with." Sabi ko sabay alis.



Pumasok ako sa tent at dahil sa wala na akong PA, ako nalang mismo ang nag-ayos nang gamit ko. Mahirap din pala kapag walang PA.



"Oh ngayon natauhan ka na?" Sabi ni Rian. Hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ng inayos ang mga gamit ko.



"Alis na ako."



"Sir, saan ho tayo?" Tanong ng driver ko, Napaisip naman ako sa sinabi niya.



Alam ko na. Napangiti ako.



"Punta tayo sa starbucks coffee sa may Ayala Mall." Sagot ko.



*evil smile*



Lyan's POV



Whole day akong naghanap ng trabaho. Pero wala akong nahanap. Overqualified daw kasi ako. Joke.



"Haaay!" Sabi ko sabay higa sa kama.



"Okay lang yan Lyan, tutulungan kitang maghanap ng trabaho." Napangiti naman ako sa sinabi ni Sitti, kahit pala papaano may magandang maidudulot pala siya sa akin.



"Oh my gosh! Shining Star na!" Pasigaw na sabi ni Sitti sabay bukas ng tv, as usual si Allain na naman. Shining star kasi yung title ng teleserye nila ni Tiffany. Ang corny nuh? -____-



"Ang gwapo talaga ni Allain my loves." Psh! Allain na naman. Nakakarindi. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.



Allain's POV



"Nandito na ho tayo Sir." Dali dali ko isinuot ang cap at shades ko syempre para walang makakilala sa akin.



"Mag hintay kalang dito, Sandali lang ako." Tumango naman siya.



Naglakad na ako papunta sa starbucks coffee.



Palinga-linga ako sa paligid. Nasaan na kaya yung babaeng yun? Off ba niya ngayon?



"Oh my gee! It's Allain Dela Rosa!" Sigaw ng isang babae.



Lahat ng tao sa coffee shop lumapit sa akin para magpa-picture at autograph.



Paano na ito, paano ba kasi nilang nalaman na ako ito.



Kinapa ko yung ulo ko. Kaya naman pala eh. Nawala yung cap na suot ko kanina.



Kaasar.



"Pwede pa-picture?" Tanong ng grupo ng kababaihan. Tumango na lang ako.



His Personal Assistant [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon