Chapter 6

4.6K 220 13
                                    


Lyan's POV



Am I dreaming? Ilan beses kong binukas-sera yung mga mata ko para makasigurado.



Pero hindi! Nandito pa din siya nakangiti sa akin habang hawak niya yung coffee na ino-offer niya. Tumingin muna ako sa likod ko o sa tabi ko baka naman kasi yun katabi ko pala yung tinutukoy niya. Nakakahiya naman diba?



"Ako po ba?" Tinuro ko yun sarili ko.



Tumawa siya.  Ang gwapo talaga ni Knight! Nakaka-starstuck hindi tulad ng iba dyan nakaka-bwisit!



"Yeah, you." kinuha ko na yung coffee na kanina pa niyang hinahawak. Nakakahiya naman, mapaso pa siya kargo ko pa.



"Sorry po. Unexpected lang po kasi." Unexpected naman talaga na kakausapin niya ako. Hindi ko nga din alam na nandito pala siya, hindi tuloy ako nakapagpaganda. Haay!



Tumawa ulit siya. Nakakainlove talaga. "You're cute!" Then he patted me on my head.



Halaka! Hinawakan niya ako! Walanjo! I think I'm gonna die... Joke.



"Let's go." Nagulat na lang ako ng hinigit ako ni Allain palayo kay Knight my loves.



Tumigil siya at tinapon yung coffee na hawak ko! Kaasar! Panira ng moment talaga tong halimaw na ito hmmmp!



"Saan mo ako dadalhin?" Nakakahiya naman kay Knight hindi ako nakapag-paalam sakanya. ito kasi!



Hindi niya pa rin ako pinapansin hangga't sa makasakay na kami sa kotse niya. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao.



"House." Yun lang ang sinabi ni Allain. Nag-nod naman yung driver na nasa tabi ko.



"Ang bastos mo ah! Nanahimik ako doon!" I crossed my arms! Ka-badtrip naman oh! Bakit ba kasi sa lahat ng artista na pwedeng mag PA siya pa yung napunta sa akin. Jusko! Mamamatay ako ng maaga nito!



"Can you please shut up? Amo mo ako so I have the right na gawin ang lahat ng gusto ko sayo." I make faced. Nakakainis!



"Yes! Amo kita, pero hindi mo ako pag-aari." Medyo nalakas na yung boses ko. Nakakabwisit naman kasi talaga siya.

His Personal Assistant [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon