Lyan's POV
"Ang gwapo talaga ni Allain!!! Mas lalo tuloy akong naiinlove!!! Yay!!!" Sabi ng pinsan slash best friend kong si Sitti. Nanonood kasi kami ngayon ng interview ni Allain sa Buzz Line. Nakakarindi nga eh. -__________-
"Gwapo nga, mayabang naman." Inirapan naman niya ako. Totoo naman talaga na mayabang yan, The way na kung paano siyang mag-usap, the way kung paano siya maglakad, the way kung paano siya umarte. Basta lahat ng way! Puro pa-gwapo lang ang alam sa buhay.
"Sa usapang pag-ibig naman, Ano na ang status niyo ni Tiffany?" Tanong ni Boy Abunda, Si Tiffany Buendia yung ka-love team niya.
"We're on getting to know each other stage." Sagot nung Allain. Kinikilig naman yung mga viewers pati na din si Sitti sa tabi ko.
FAN na FAN kasi siya nung Allain pati yung Tiffany.
"Sana sila na talaga. Mag-papafiesta talaga ako kapag nangyari yun." I rolled my eyes. Kinuha ko na lang yun magazine. Magbabasa na lang ako.
Walanjo! Bakit puro si Allain yung mga nasa magazine? Nakakadiri! Ito dapat yung ginagawang panakot sa daga! Ibinalik ko sa shelf yung mga magazine.
"Oy Sitti. Uuwi na ako." Sobrang busy naman siyang nanonood kay Allain niya.
"Ehem, may tao ba dito?" Sarkastiko kong tanong. Kahit kailan talaga!!
"Ay sorry. Sige bye." Nagpatuloy na siyang manood.
Wow ha! Ganun ba talaga kalakas ng impluwensya nung Allain kaya pati bestfriend slash pinsan ko binabalewala na ako. Letchugas! Makaalis na nga!
Padabog akong umalis ng bahay ni Sitti papunta sa bahay ko. Magkapitbahay kami. Nakakabadtrip talaga!
"Oh Lyan? Bakit nakabusangot yang mukha mo?" Natatawang tanong ni Kuya Xian. Isa pa ito!
I rolled my eyes. Pati ba naman dito. "Wala. Aakyat na ako sa taas."
"Alangan naman sa baba ka aakyat, nagpapatawa ka ba?" Anong klaseng kapatid ka kuya?!!!
Kunot noo ko siya tinignan at umakyat na. Mga bwiseet!!!
Allain's POV
Mabuti naman at tapos na yung interview ko kay Boy Abunda, kanina pa akong naaasar sa mga tanong niya. Masyadong pakialamero. Pati personal life ko gustong alamin.
"Allain, May thanks giving party tayo mamayang 7 PM." Biglang sambit ni Manager Ted. Tsss. Nakakapagod but do I have a choice? I just nodded at him. Pumasok na ako sa dressing room.
"Oh bakit yan?" Tanong ko sa PA ko. Nakatayo siya sa tabi ng pintuan hawak yung polo ko. She looks scared. As usual. Tsss!
"Namantsahan po sir. Pasensya na po."
Kumunot yung noo ko. Shit! "Tapos ano naman yung gagamitin ko mamaya? Eh yan yung naka-assigned para dun!" Sigaw ko sa kanya. Stupid!
Yumuko naman siya at parang iiyak na. "Sorry po--"
"Sorry? Sa tingin mo kapag nag sorry ka at papatawarin kita babalik yang damit na yan sa dati?" Napahawak ako sa noo ko. Sorry?!?!
"Babayaran ko na lang po." Umiiyak na siya. Tss! I don't care!
Hinawakan ko siya sa braso. "You're fired!" Tinulak ko siya palabas ng pintuan.
"Napakawalang kwentang PA." Sabi ko sa sarili ko. Humiga ako sa couch. Magpapahinga na lang muna ako.
BINABASA MO ANG
His Personal Assistant [JaDine]
FanfictionMay chance pa kayang magkagusto ang masungit at antipatikong ARTISTA sa kanyang palaban at matapang na PERSONAL ASSISTANT? Meet Allain John Dela Rosa. Gwapo, Mayaman, Sikat pero may toyo sa utak. (Masama kasi ang ugali) Ito naman si Lyan Faye Ramos...