GIAN'S P.O.V.
I am Gian Miguel Lopez.
Bakit kilala ko sila?
Kasi matagal ko na silang nakasama.
Bakit ako nandito ngayon?
I want to play games with them.
Sino ako?
Haha. Ako ay taong nagmula sa nakaraan at bumabalik ngayon para guluhin ang kasalukuyan. ;)
Sa ngayon ganito na lang muna, nag-eenjoy pa kong makita silang ganyan eh.
Yung natataranta at di alam kung anong gagawin. Haha.
Kung gusto nila kong ipatumba, sige lang.
Hindi ako natatakot mamatay. Lahat naman mapupunta din diyan.
But nevermind, I'll just stick with the plan.
*
Naglalakad ako papuntang locker room ng makasalubong ko si Patrick.
The one and only Patrick Woo.
"Tigilan mo si Kyla at Layuan mo siya" sabi ni Patrick
Ngumiti lang ako sa kanya.
Bakit? Eh sa ako yung tipo ng taong mahilig ngumiti.
"Haha. Chill. Bakit? Natatakot kang mawala siya? Ni hindi mo nga siya maalagaan ng tama" sagot ko
Totoo 'yon.
Kung talagang inaalagaan niyang mabuti si Kyla, hindi niya hahayaang mag-isa si Kyla dis oras ng gabi.
Hindi niya hahayaan na mag-isa lang siya, knowing na nakaaligid lang ako sa kanila.
Hindi niya papaiyakin at sasaktan si Kyla, kung talagang iniingatan niya.
Bakit ko alam lahat ng yan?
Simple lang. Kasi lagi akong nagmamanman.
Matagal na kong nakapaligid sa kanila, patagong nagmamasid.
At ngayon lang ako lumabas, dahil oras na.
Oras na para ako naman ang maglaro. ;)
"Wag kang magsalita na parang alam mo lahat mula nung una. Dahil wala kang alam. Wag kang manghusga lalo na kung hindi mo alam ang totoong nangyari. Tigilan mo na siya, bago pa kita ipatumba" sagot sakin ni Patrick
Look who's talking. ;)
Haha. Ano akala niya?
Na masisindak niya ko, sa ganyanh ugali niya? Hell no.
"Ano bang di ko alam? Yun bang na-announce na engage na si Joshua at Alexandra na nandun ka at lasing at muntik ng manggulo? O dun ba sa part na, sinundan ka ni Kyla sa garden at inalok mo siya na magpakasal sayo, kahit alam mong hindi siya ang mahal mo? Haha." Sabi ko
Hindi siya nakasagot at nagulat sa sinabi ko.
"Ipapatumba mo ko? Sige lang. Hindi ako takot mamatay." Dagdag ko pa
Halata sa itsura ni Patrick na galit na siya ngayon. Haha.
"Ano? Wala kang maisagot kasi totoo? Haha. Damn dude. Damn you" sabi ko
Saka ko siya nilagpasan, at naglakad.
Pero hinigit niya ko at sinutok ng malakas kaya napaupo ako sa sahig.
Damn!
Di ko napaghandaan yun ah!
May balak ba siyang sirain ang napakagwapo kong mukha!? -__-
BINABASA MO ANG
Second Chance (Completed)
Подростковая литератураAccepting someone in your life for a second time isn't the only thing that second chances entail. Likewise, this could every so often entail yet another opportunity to try to warmly welcome someone genuinely new. Story Started: November 05, 2015 Sto...