EPILOGUE

2.2K 32 14
                                    

GIAN'S P.O.V.

(A/N: Play the song “Ikaw” by Yeng Constantino)

Pinagmamasdan ko siya habang papalapit sakin. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Eto yung araw na matagal nang hinihintay ko.

Sino bang mag-aakala na ang isang katulad ko ay magmamahal balang araw? At sino bang mag-aakala na ang mga kagaya ko ay may pagkakataon pang magbago? Kasi hindi ko ikakailang nagbago ako. Nabago ako mula noong nakilala ko siya. Lahat sa akin ay nagbago simula nung makilala ko si Kyla Mikaela Perez.

Siya yung babaeng matagal ko ng hinihintay. Ang babaeng hindi ko inakalamg makakapagpabago ng pananaw ko tungkol sa salitang “pag-ibig.” Siya 'yon. Si Kyla lang.

Naniniwala rin akong ang Diyos ang dahilan kung bakit ko siya nakilala. For me, she's the best blessing I could ever have. And she's also my happiness. My dream. My whole universe.

Pero pakiramdam ko, tumigil ang oras. Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo. At iyong puso ko ay natitiyak kong sobrang lapad ang ngiti.

Dahil akala ko dati, walang dadating para sakin. Akala ko, walang magmamahal sakin ng totoo bukod sa Mommy ko. Pero hindi. Kasi, dumating si Kyla.

Siya lang ang nagmalasakit sakin kahit bad boy ako at nagmahal sakin ng totoo kahit ganun ako. Tinanggap niya ko ng buo. Minahal niya ko sa kung sino at ako lang ako. Dun pa lang ay sobrang swerte ko na at masasabi kong wala na akong ibang mahihiling pa.

Hindi ko maiwasang mapaluha. Palapit siya ng palapit sakin. At nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. Iyong sayang ngayon ko lang nakita. Iyong sinasabi nilang “The smile that only heaven can make.”

At nakakatuwang isipin. Hindi pa ko nagmahal ng ganito. Maybe it's true....Kyla iscmy first love. Gustong-gusto ko siyang makasama habang buhay. And I know someday, I will.

Nagpunas ako ng luha at napabuntong-hininga saka ako ngumiti ng bahagya.

Nandito na si Kyla. Ang lawak ng mga ngiti niya. At masaya ako, na nagagawa ko siyang pangitiin ng ganyan.

Tumigil ang music at ako ang nagtuloy ng kanta matapos nilang iabot sa akin ang mikropono. Hinawakan ko ang kamay niya.

I know someday, I can find the one for me.

"I love you so much Kyla," sabi ko.

She smiled at me and chuckled for a bit. It made me feel nervous yet so much happy at the same time.

"I know. And I loved you too." sagot niya sakin tapos ngumiti ulit siya.

"But I know there," itinuro ko sa may bandang puso niya, "You love him the most."

Nakita kong may namumuong mga luha sa mata niya. At kahit ako ay gusto kong umiyak ngayon.

"Nasa harap tayo ng simbahan, sa harap ng mga taong nakakakilala sating dalawa. Alam nilang lahat kung gaano kita kamahal, lalo na ang Diyos at mas lalo ka na. Alam mo na mahal na mahal na mahal kita and I want you to be happy." sabi ko sa kanya

"And I am happy." Umiyak siya habang sinasagot iyon sakin.

Ngumiti ako at pinunasan ang luha niya. Siguro, ito na ang huling beses na pupunasan ko ang mga luha niya. Kasi, alam kong may iba nang gagawa nun at hindi na ako.

"But you will be happier with him. I know. I can feel it and I can see it through those beautiful eyes." Nakangiti kong sabi sa kanya saka ko siya tinitigan sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang kanang pisngi niya dahil alam kong ito na ang huling beses na magagawa ko iyon.

"Kyla, sobrang masaya ako kasi nakilala kita. Binago mo ko, tinanggap mo kung sino ako at minahal mo ko bilang ako. Kahit ako ang dahilan kung bakit ka napahamak, nagawa mo kong patawarin at tanggapin pa rin sa buhay mo,” lumuluhang sabi ko sa kanya saka ako tumawa ng mahina at hinawakan niya ang mga kamay ko. I am happy na naging kaibigan kita at masaya ako na ikaw ang babaeng una kong minahal. Sobrang saya kong naranasan ko ang mahalin ng isang Kyla Mikaela Perez. Thank you so Much KM babe." sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo, at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon