Chapter 35

772 20 0
                                        

KYLA'S P.O.V.

Nandito kami sa school, ngayon.

"Hindi naman sila bagay. Bakit kasi siya pa?" -Girl1

"Oo nga. Di hamak na mas maganda naman si Alex kaysa sa kanya" -Girl2

"True! Forever Xandrick ako!" -Girl3

Kahit isang taon nang engage kami ni Patrick, di pa rin maiwasan ang mga bulung-bulungan.

Pero okay lang. Tanggap ko naman ang sinasabi nila at sanay na ko.

"Nakakainis na yang mga yan ya. Sasabunutan ko na yan! Bwisit!" Sabi ni Aubrey

Napatawa na lang ako at pinigilan siya.

"Hayaan mo na. Di ka na nasanay" sagot ko at nginitian siya

"Ayan ka na naman Kyla. Ba't ba sobrang bait mo? Kaya ka inaabuso eh" sabi ni Aubrey

"Hayaan mo na. Be kind to animals. Haha" sagot ko

At nagtawanan lang kami. Saka siya nagyayang pumunta ng cafeteria.

*

Kumakain kami ni Aubrey nang may mahagilap kami.

Si Patrick at si Alex. Sinusundan siya ni Alex at mukhang ayaw siyang kausapin ni Patrick.

Kahit naman sinabi ni Patrick na mahal niya ko, hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba at matakot.

Dahil baka dumating ang araw na mawala ulit siya, at kailangan ko siyang isuko.

"Hey" sabi ni Patrick

Nandito na pala siya sa harao ko, di ko man lang napansin.

"Yes?" Tanong ko

Saka ko siya nginitian. Lumapit naman siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Eherm" sabi ni Aubrey

Tapos tumingin siya sa left side, kung saan nakatayo si Alex at nakayuko.

"Uhm, Alex halika umupo ka rito" sabi ko

Pero nanatili pa din siyang nakatayo at nakayuko.

Tapos tumayo si Aubrey at hinila siya paupo sa tabi niya.

Katabi ko kasi si Patrick.

"Paalisin niyo yan dito" sabi ni Patrick

"No" sabi ni Aubrey

"Sinabi ko ng paalisin niyo siya dito!" Sigaw ni Patrick

At nakuha namin ang atensyon ng mga taong kumakain dito sa cafeteria.

Nagulat kaming lahat sa pagsigaw niya.

"Aalis na lang ako. Pasensya na" sabi ni Alex at tumayo

"No, you stay" sabi ko

Napatingin naman sakin si Patrick.

"Mika, please" sabi ni Patrick

"No Patrick. She's staying here with you" sabi ko

"She's.. What!?" Inis na sabi ni Patrick

Nginitian ko lang siya. At hinawakan ko ang kamay niya.

"Why don't you talk to her? Try to listen Pat. Try" sabi ko

"No" sagot niya

"Please. For me?" Sabi ko

Tinitigan niya ko ng mga sampung segundo saka siya sumagot.

Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon