Ending Part 1

1.1K 21 0
                                        

KYLA'S P.O.V.

Ngiting-ngiti ako ng malaman ko na successful ang operasyon ni Patrick.

Yung pakiramdam na magtatalon yung puso ko sa sobrang tuwa.

Laking pasasalamat ko sa Panginoon, dahil buhay siya.

Thank you so much God. :)

"Tara na dali!" Excited na sabi ko kay Gian

At hinila siya habang tumatakbo.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ni Patrick, ang tahimik nila.

Bakit? Hindi ba sila masaya?

"Patrick!" Sigaw ko

At agad na nilapitan siya at niyakap ng mahigpit.

"Alam mo bang sobrang nag-alala ako sayo huh? Pero, buti na lang buhay ka!" Masayang sabi ko sa kanya

Pero, tinitigan niya lang ako.

Tinignan ko si Lex pero nag-iwas siya ng tingin.

Ganun din sina Joshua at Aubrey.

Anong.. Anong nangyayari?

"Sino ka? Kaibigan din ba kita?" Tanong ni

Patrick.

Anong..

"Halika dito Kyla." Sabi ni Alex

Pero, tinignan ko muna si Patrick.

Nakapoker face lang siya.

Gaya ng dati.

Pero, anong ibig niyang sabihin na 'sino ako'?

"Alex, anong nangyayari? Bakit ganun?" Sabi ko

Mangiyak iyak na ko dito.

Yung ang saya saya ko kasi okay na siya, tapos ganito ang madadatnan ko. :(

Bakit? :'(

"Kyla, sa ulo tinamaan ng bala si Patrick" sabi ni Lex

"And?" Tanong ko

Napabuntong hininga siya.

"Natanggal nga ang bala sa ulo niya Kyla, pero kasabay nun ang pagkatanggal ng mga alaala niya" sabi ni Lex

Napaatras ako, at napanganga sa sinabi ni Lex.

Hindi ako makapaniwala.

"Hindi. Haha. Hindi yan totoo. Nagbibiro ka diba? Lex, sabihin mong nagbibiro ka lang!" Sigaw ko

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Kyla, kumalma ka lang" sabi ni Gian

"Paano ako kakalma kung ganyan!? Kung nagbibiro kayo, itigil niyo na kasi hindi na nakakatuwa!" Sigaw ko

Tapos lumapit ako kay Patrick.

"Nagbibiro kayo diba? Sabihin mo Patrick! Kung naiinis ka sakin at gumaganti ka, wag naman ganito oh. Ang hirap eh. Ang hirap" sabi ko.

Napaupo na lang ako at nagtakip ng mukha.

"Kyla." Sabi ni Alex

Saka niya ko hinawakan.

"Alam ko mahirap tanggapin ang katotohanan, pero yun na yun Kyla eh. Wala na tayong magagawa kundi maghintay. Hanggang sa maalala niya tayo" sabi ni Lex

"Hindi ko kaya Alex. Masakit. Sobra" sabi ko

Saka na ko humagulgol sa iyak.

"Kaya mo yan Kyla. Matapang ka. Maging matapang ka para sa kanya. Magpakatatag ka. Magtiwala ka lang Kyla. Kakayanin niyo 'to" sabi ni Lex

Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon