THIRD PERSON'S P.O.V.
Parehong nakakulong sa isang lumang kwarto sina Kyla at Alexandra.
Habang walang malay at nakatali, ang mga kamay at paa sa kinauupuan nila.
"Hoy gising!" Sabi ng isa sa mga nagbabantay
"Gising sabi eh!" Sigaw nito
Kaya nagising si Kyla.
Inikot niya ang paningin niya, hanggang sa nakita niyang walang malay si Alex.
"Alex!" Sigaw nito
Pero, hindi pa rin nagising si Alex.
"Alex!" Sigaw ulit ni Kyla
Hanggang sa nagising si Alex.
At, pagkagising niya nagwala agad siya.
"Mga walanghiya kayo! Pati inosenteng tao dinamay niyo dito! Ang sasama niyo!" Sigaw ni Alex
Nagsitawanan lang ang mga lalakeng nagbabantay sa kanila.
"Alam namin. Di mo na kailangang sabihin" sagot ng isa
"Nasan ang amo niyong duwag!? Ilabas niyo! Kami ang maghaharap!" Sigaw ni Alex
"Alex, tama na. Baka saktan ka lang nila" pag-aawat ni Kyla kay Alex
"Looking for me, Ms. Kyo?" Tanong ng isang lalakeng nasa edad na 45.
"Hayop ka!" Sigaw ni Alex sa kanya
Ngunit, tumawa lang ang matanda.
----------*ALEX'S P.O.V.
"Nasan ang amo niyong duwag!? Ilabas niyo! Kami ang maghaharap!" Galit na sabi ko sa mg panget na 'to -__-
"Alex, tama na. Baka saktan ka lang nila" pag-aawat sakin ni Kyla
Pero hindi ko siya pinakinggan.
"Looking for me Ms. Kyo?" Tanong ng bwiset na matanda na 'to
"Hayop ka!" Sigaw ko sa kanya
Pero tinawanan niya lang ako.
"Nagsalita ang hindi" sagot niya
"Talagang hindi. Dahil ikaw lang ang hayop dito!" Sigaw ko
"Alex." Sabi ni Kyla
"Oh, nandito pala ang napakabait at napakainosente mong kaibigan Alexandra" sabi ng matandang yun
Tapos lumapit siya kay Kyla
"Wag mo siyang lalapitan matanda ka!" Banta ko sa kanya
"Bakit, may magagawa ka ba? Hahaha" sagot niya
Nagngingitngit ako sa galit ko.
Kung makakawala lang sana ako dito eh!
"Pag nakawala ako dito, humanda ka saking matanda ka!" Sigaw ko
"Tumahimik ka!" Sigaw niya sakin
"Pake mo ba!?" Sagot ko
Napapikit na lang siya.
Ayaw niya kasi sa maingay
-___-"Lagyan niyo ng tape ang bunganga ng babaeng yan. Nakakarindi!" Utos niya sa mga unggoy niyang alipin
"Wag mo kong hahawakan pangit ka!" Banta ko sa unggoy na yun
Pero, linagyan nila ng tape ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance (Completed)
Teen FictionAccepting someone in your life for a second time isn't the only thing that second chances entail. Likewise, this could every so often entail yet another opportunity to try to warmly welcome someone genuinely new. Story Started: November 05, 2015 Sto...