Chapter 31

781 19 0
                                    

KYLA'S P.O.V.

Nandito kami sa ospital.

Nag-aantay ng sasabihin ng doctor.

Pero ang ipinagtataka ko, anong meron sa kanya?

Lumapit sakin si Tita at tumabi.

Tapos hinawakan niya ang nanginginig kong kamay.

"It's okay iha. Mag-antay na lang tayo. Magiging okay din ang lahat" sabi ni Tita

"Tita, ano po bang meron? Bakit bigla na lang ganun? May sakit ba siya? Bakit hindi niya sinasabi sakin?" Tanong ko

"Kyla iha, mas mabuting si Patrick na lang ang tanungin mo diyan." Sagot ni tita

Yun bang wala ka nang ibang magawa sa mundo, kundi ang umiyak lang.

"Tita bakit ganun? Nag-aalala ako para sa kanya tita. Bakit ngayon pa? Tita, ayoko siyang mawala. Di ko kaya." Sabi ko

Hinagod ni Tita ang likod ko, at sinusubukang i-comfort ako.

"Shhh. Tahan na. He don't want to see you crying. Stop crying iha. Everything will be alright" sabi ni Tita

Pero nagtakip lang ako ng mukha at umiyak.

Ngayon na nga lang ang chance, na makasama ko siya, pero bakit ganito pa?

Lumabas naman ang doctor galing sa E.R.

"Okay na siya. Ililipat na lang siya sa isang room." Sabi ng Doctor

"Thanks Doc." Sagot ni Tita

Tapos hinawakan ni tita ang kamay ko.

"See? He's okay now. Don't worry" sabi ni Tita

Tumango na lang ako, at sinubukang kalmahin ang sarili ko.

*

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Patrick at hinihintay na magising siya.

"Sana tuparin mo ang pangako mo Pat. Sana hindi na ko iwanan ulit. Kasi ang sakit sa pakiramdam ang paulit-ulit maiwan" sabi ko

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, kaya nagpunas ako agad ng luha.

"Don't you trust me Mika? Tutuparin ko ang pangako ko sayo kahit anong mangyari. A promise is a promise. Hindi kita papaasahin sa wala. Remember? I'll do everything not to hurt you" sagot ni Patrick

Tumulo ang luha ko.

Parang kailan lang iniiwasan niya ko, tapos hindi ko akalain na masasabi niya sakin ang mga ganyan ngayon.

He's right, I should trust him.

"Tell me. Ano ba talagang nangyari? Bakit ganon? Nag-alala ako ng todo sayo nung mangyari yun. Pat, sabihin mo naman sakin oh. Para naman alam ko ang ginagawa ko." Sabi ko

He sighed at umupo siya..

"Noong bata ako, mas close ako kay Tito Kiel. He's my father's brother. Sa totoo lang, mas itinuring ko pa siyang ama kaysa kay Daddy. Hindi ako galit kay daddy. It's just that, he never gave his time for me. But no hard feelings. Alam ko namang busy siya sa trabaho. Ang still, I'm happy because tito Kiel was there for me. He's there to play with me, and to guide me as I grow up. Tito Kiel, never left my side. At sobrang napamahal na siya sakin nun. At sino ba ang matutuwa kapag nawala ang taong mahal niya diba?" Sabi ni Patrick

Nakita kong lumungkot ang mukha niya.

"Kung hindi mo kayang sabihin okay lang. Maiintindihan ko naman" sabi ko

Second Chance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon