ThirtyEight-New Life

34.5K 447 64
                                    

Chapter Thirty Eight

2 years Later.

"Nay. ako na pong magbibilad nyan." sabi ko kay Nanay Lusing saka kinuha yung mga daing na nasa kamay nya.

"Kuu! itong batang to. dun ka na nga sa loob. ako na riyan." kinuha nya ulit yung daing saka lumayo na sakin. napangiti nalang ako saka naglakad lakad nalang sa dalampasigan.

"Ate Ina!" napangiti ako nung nakita ko si tricia na tumatakbo papalapit sakin. binuhat ko sya saka kiniss sa pisngi.

"Hi baby." niyakap naman nya ko sa leeg. saka kiniss sa pisngi.

"Baba na Tricia. Laro pa ko eh." sabi nya saken. binaba ko naman sya. tumakbo na sya papunta sa mga kalaro nya. ako naman pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko.

hinahayaan ko lang yung tubig na umaabot sa paa ko. nililipad rin yung maikli kong buhok ng hanging dagat. napabuntong hininga ako ng malalim saka ngumiti ng mapait.

'two years na. dalawang taon na pala yun Love. ang tagal na rin pala no? namimiss mo kaya ako? ako kasi namimiss kita lagi. araw araw. oras oras. minu minuto saka bawat segundong lumilipas. hanggang ngayon namimiss pa rin kita.'

pinunasan ko yung luhang kumawala sa mata ko saka ngumiti ng mapait.

dalawang taon na nung huli kong makita si Lance na umaalis palayo sakin. at isang taon pagkatapos nun binaba na ng korte ang desisyon sa annulment namin.

i'm no longer Mrs. Georgina Venice Fortalejo Cervantes. the petition was granted and our marriage is null and void.

that day when he gave me the annulment papers. nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa maubos yung gas ko. i left my car on the road. called at home to pick it up. i rode a bus and went wherever it was going. nagstop sya sa isang pantalan. sumakay ulit ako. ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. ang dala ko lang yung pera sa bulsa ko na twenty thousand. i left my iphone in my car as well as the credit cards and passbooks. i just brought my passport with me and nothing else. nakarating na pala ako ng palawan sa roadtrip ko. and i met nanay lusing.

nawawala kasi si Tricia nun at ako yung nakahanap. and the rest was history. tumira na ko sa kanya kasama si Tricia. yung mga magulang kasi ni tricia nasa ibang bansa kaya ayun. dito muna siya sa lola nya. kilala ko na rin naman yung mga magulang nya eh. alam din nilang nakatira ako dito at super welcome ako sa kanila.

kinabukasan pagkarating ko dito nagpunta agad ako sa isang mumurahing parlor saka pinaputulan yung buhok ko ng maiksi. medyo humaba lang ng hanggang sa balikat sa nakalipas na panahon.

dalawang taon na. naninibago na rin ako mismo sa sarili ko. ngayon sa papag nalang ako natutulog. gumagawa ng gawaing bahay saka nag aalaga kay tricia.

i'm calling monique once in a while. gusto nya nga akong tumira sa resthouse nila dito sa palawan kaso tumanggi ako. sila anton naman nakikibalita lang ako kay Raffy. binablackmail kasi ako ni raffy na ituturo nya kung nasan ako kung hindi ako magiging model ng Venice. kaya ayan. alam nya kung nasan ako.

pinaliwanag ko na rin kay Nicola yung situation kaya hindi nya na nirequire na magkaprofile ako sa kanila. and the photoshoots? isang araw lang naming ginagawa. at lumilitaw lang ako sa mismomg araw ng photoshoots.

"Anak, malamig na. pumasok na tayo." tinapik ako ni Nanay saka ngumiti.

"Susunod na po ako Nay." tumango naman sya saka iniwan ako ulit.

hindi rin alam ni Nanay kung sino ako eh. ang alam nyang pangalan ko ay Georgina Santos. i used my mom's middle name.

napatigil lang ako sa pag iisip nung magring yung cellphone ko. nokia 1110i. napangiti ako sa sarili ko. iphone no more. wala nga rin akong gadgets except for this freaking cellphone.

Fair Share of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon