Pagkaraan ng mahigit magdadalawang linggo ay nagising rin ang kambal na sina Steven at Ada, ngunit nananatili pa ring isang lihim na si Arriella at si Ada ay iisa. Ang tanging nakaka alam lamang nito ay sina King Stephen, Queen bea, Alex, Ace at ang kambal.
Sa isang banda..
"Master nahihirapan po kaming pumunta sa Akademiya ng ating kalaban."
"At bakit naman aber?! Bigyan mo ako ng matinding sagot kung bakit?"
"May isang malakas na enerhiyang bumabalot sa Empire Academy. Nangangamba po akong nakapasok na duon ang anak ng mag asawa. Napakalakas ng barrier na kanilang inilagay."
"Kung ganoon na nga, sabihan ang mga estudyante na mag handa. Magsanay ng magsanay. Sa ika 25 sa susunod na buwan, susugod tayo. Isang araw bago ang kaarawan ng kambal, kukunin natin ang isa sa kanilang dalawa. HAHAHAHAHHAHHAHAH!!!"
Samantala, nananatili pa ding nakabantay sina Ace at Alex sa kambal.
"Kuya, samahan mo naman ako. Please?" yana kay Alex
"Saan ba? Steven saglit lang sasamahan ko lang itong kapatid ko. Huwag kang hihiwalay kay Ace ah. Pati ikaw, Arriella." Pag paalala naman ni Alex kay Ace.
Ngunit wala pang isang minuto ay umalis si Arriella na nagpunta naman ng Cr ng mga babae. Paglabas naman niya ay lumabas ang isang babaeng naka mask ulit. Nabahala naman si Ace sapagkat alam niyang si Arriella iyon. Binantayan niyang maigi si Steven.
"Mga mapanlinlang!! Sino ang kaaway dito?!" sigaw ni Arriella bilang sa boses ng isang lalaki.
"Ooppss. Ang bilis mo naman lumabas. Patayin siya!" sabi ng isang babaeng may snake eye
"Ang dami mo namang salita. Hala sige gusto niyo ng away ay. Etong sa inyo." Bigkas ni Arriella sabay labas ng kanyang katana at isang singsing na may simbulo ng isang leon.
Nang matamaan niya ang mga kalaban ay siya namang paghigop ng singsing sa mga kaluluwang lumalabas sa katawan ng kanyang mga kalaban at saka niya ito sinunog ng walang kahirap hirap.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad namang umalis si Arriella at pumunta sa pinaka tuktok ng Academy. Pagakatapos ay kinumpas lamang niya ang kanyang kamay sa kanyang katawan at nakapagpalit siya agad ng damit. Astig! Nasabi na lamang niya sa kanyang isipan.
******
~cont.
ARIANA POV
Nakakapagtaka na. Pangalawang beses na lumalabas ang babaeng nakamaskara. Anong pakay niya? Pero bakit sa tuwing lumalabas siya ay nakakalaban niya ang mga kalaban ng aming Academy. Hindi kaya isa siya sa magtatanggol sa Academy namin? Kailangan ko malaman sino itong babaeng ito.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw at nalaman na rin nina Arianna at Thalia na si Arriella at si Ada na kapatid ni Steven ay iisa. Nag diwang sila ng palihim ngunit habang tumatagal na nasa Empire Academy si Arriella ay mas lalong dumadami na nakakapasok dito kahit na nilagyan na niya ito ng barrier. Kaya naman napagdesisyunan niyang isang linggo bago ang kaarawan nila ng kanyang kuya ay lilisanin niya ang Empire Academy. Hindi na niya ito sinabi sa kanyang mga magulang para madali para sa kanya ang lisanin ang Academy mas lalo sa kanyang mga kaibigan at kapatid.
Nobyembre 10, 20** umalis na si Arriella. Umalis siya ng madaling araw simula ng nakapagtrain na siya at alam na alam na niya kung paano mag teleport at iyon ang kanyang ginawa. Nag iwan siya ng sulat para sa mga kaibigan niya pati sa kanyang mga magulang.
Kiinaumagahan. Nagising si Thalia at hinanap ng hinanap si Arriella hanggang sa ginising na niya si Ariana. Pinapunta naman ng dalawa ang kanilang kapatid at pati na rin si Steven. Sa kakahanap nila kay Arriella ay isang sulat ang tumambad sa kanila na nakalagay sa ibabaw ng higaan mismo ni Arriella.
A3, T, S
Kilala niyo naman sino kayo. Initials.Alex, Ace, Ariana, Thalia at Steven. Alam ko na habang binabasa niyo ito wala na ako. Steven, Kuya, umalis ako ng Academy nang hindi na pinaalam sa inyo. Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan ngunit sana ay lagi kayong mag iingat. Kuya, pakibantayan para sa akin sina Ina at Ama. Mahal na mahal ko kayo. Thalia At Ariana, pakibantayan para sa akin si Ace. Sa aking pagbalik, sasagutin ko na siya. Oo, matagal na siyang nanliligaw sa akin. Hindi ko lamang ito sinasabi sa inyo. Alex, alagaan mo maigi si Ariana. Huwag mo siyang pababayaan.
P.S Kuya Steven paki bigay kina Ina at Ama ang sulat na nasa ilalim ng aking unan.
AA. Lady In Mask
Haaayyyy.. Sabay sabay na exhale ng lima habang nakaupo sa kama ni Arriella. Iba ang ihip ng hangin habang nagbabasa sila lalo na ng nakita ni Steven ang sulat ni Arriella sa mga magulang.
"halika, samahan niyo na rin ako na ibigay ito kina Ina at Ama." Pagyaya ni Steven sa mga kaibigan
"Kayo na lang. May pupuntahan lang ako." Ace
***************
BINABASA MO ANG
LADY IN MASK (BOOK II OF Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water))
FantasyLooks like author have some time reversing her mind and think of a book II of Empire Academy. Reader and silent readers, get ready for the Book II of Empire Academy. WARNING: There maybe some changes or new characters that may play an important ro...