24 (ADA & ACE)

1.3K 41 0
                                    

"Malubha ang lagay ni Ace.. Lumalaban siya ngunit malaki ang tsansang mamatay siya.." sabi ni Steven kay Ada.

Nuong mga panahong nahimatay sina Ada at Ace ay nagising agad si Ada ngunit hindi si Ace. Nang dalhin nina Alex at Steven si Ace sa clinic ay nakiusap ang binata na mag  sinungaling dahil may pinaplano ito. 

"Ano?! Kuya nasaan si Ace?" tanong ni ada na siya namang derecho agad sa clinic. 

"Tignan mo nga naman itong babae na ito, nagtanong tapos dere dercho ang lakad. Hayyy..." sabi ni Steven kay Ariana habang naglalakad na rin papuntang clinic. 

Natapos ang mga araw na may mga kalaban at magiging handa muli sila sa mga susunod na pagsubok na darating sa kanilang lahat maski sa Empire Academy.  Masayang naglalakad ang magkakaibigan hanggang sa nakarinig sila ng isang tili. 

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! Ikaw talaga!! May pa-plano plano ka pang ganyan.. Hmppft!!" pagsabi ni Ada habang kinikilig. Nagpoprose kasi si Ace kay Ada. 

"Eh effective naman ehh.." sabi ni Ace habang nakaupo at yakap yakap ang dalaga.

Kasabay nuon ay ang pasok ng kanilang mga kaibigan. Hindi na maipinta ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Iyon na ang pinakamasayang pangyayari na nangyari sa buhay ni Ada. 

*************

Pagkatapos ng anim na buwan ay ikinasal na rin sina Ada at Ace. Sa kalagitnaan ng kanilang salo salo ay nag popropose naman si Steven kay Ariana. At iyon na ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ni Steven. 

"Ariana.. napagdaanan na natin ang lahat. Marami mang away pero marami pa rin ang mga araw na gumawa tayo ng happy memories na magkasama. Ikaw na ang gusto kong mahalin at makasama habang buhay kaya naman...."

sabay labas ng isang kahong kulay puti.

"Genevieve Ariana, will you marry me? will you be my wife to infinity and beyond?" Steven habang naka luhod sa harap ni Ariana at sa harap ng maraming tao. 

Maluha luhang sinagot ng dalaga ang binata.. 

"Yes, yes i will marry you.." Sabi ni Ariana.. 

Lumipas ang mga araw at buwan ay bumaba na sa posisyon sina King Stephen at Queen Bea. At ang magkapatid ang pumalit sa trono ng kanilang mga magulang. Marami na ring nagbago sa Empire Academy at sa buong lugar na kinasasakupan ng lugar na iyon. Marami pa ring mga masasamang nilalang ang gustong sirain ang Empire Academy ngunit sa layuning pinatupad ni Ada ay ang mga kalaban ay naging kaibigan na riin nila para sa kapanan ng lahat ng naninirahan at nag aaral sa lugar na iyon. 

"Hindi biro ang maging isang tagapagligtas o yung sinasabi nilang bayani sa sarili mong mundo kung marami at marami pa ring magtatangka sa buhay mo at sa buhay ng nakararami. Marami mang makakakilala sa akin pero mayroon pa ring mga iilang tao na maglalaganap ng kasamaan pero mananaig at mananatili pa rin ang kabutihan kung iyon ang pipiliin nila. Pero ngayon na nabubuhay na ang isang katulad ko na nagtatago sa likod ng isang maskara ay wala ni sinuman ang pwedeng manakit kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa lahat hindi kita uurungan dahil wala pang kasamaan ang nabubuhay noon magpasahanggang ngayon...." Ada Abigail as the LADY IN MASK.

***************

WAKAS

END

FIN





LADY IN MASK (BOOK II OF Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon