Naunang pumunta sina Ace at Alex sa lugar kung nasaan si Ada. Samantalang nakasunod sa kanila sina Thalia, Ariana at Steven ng mahigit 10 kilometro ang layo. Sa himpapawid, binuhay ni Bea ang dragon na matagal nang natutulog sa ilalim ng Empire Academy. Ang dragon na nagsilbing kaibigan na pala nina Steven at Ada simula ng bata pa lamang ang magkapatid.
Nagtawag si Rain (pangalan ng dragon) ng kanyang mga kakampi at dahil duon mas lalong lumakas ang paniniwala nila na matatalo nila ang kasamaan. Pagkatapos ng kinse minuto ay narating nila ang isang gubat na punong puno na pinutol na mga puno. Ang mga dahon ay kulay itim samantalang kulay Gray naman ang mga punong pinutol.
Gayon na lamang ang kanilang gulat dahil sa may mga lumalabas na masasamang kaluluwa sa mga puno at mula naman sa mga ugat ay may mga lumalabas na masamang duwende, kapre, tikbalang. Imbis na matakot ay kanilang nilabanan ito. Nagulat ang lahat ng magsalita si Olive na di nila inakala na kasama nila.
"Tamaan niyo sa dibdib at sa ulo para mabilis mamatay." Olive.
Sinunod naman ng magkakaibigan ito. Si Ariana at Thalia ay sa mga maliliit na nilalang samantalang si Steven at Rain sa mga kapre at iba pang kaluluwa.
Samantala, sa loob ng isang abandonadong gusali naroon ang natutulog na katawan ni Ada. Hindi alam nina Ace at Alex na nasa katawan na ni Ada si David kaya naman nung akmang susubukang gisingin ni Ace si Ada ay bigla na lamang siyang tumilapon.
"Aww.. Isn't it exciting? Nilalabanan mo ang katawan ng taong mahal mo? Sige labanan mo ako!!!" sigaw ni David sabay hagis kay Ace sa isang dingding ng gusali.
Pagkaraan ng mahigit isang oras na paglapit na ginagawa ni Ace sa katawan ni Ada ay nahalikan na niya ang parte ng puso ng dalaga kasabay ang pag hiwalay ng kaluluwa ni David na siya namang kinulong ni Olive sa isang garapon na biglang sumulpot sa harap nila at hinalikan ulit ni Ace si Ada.
Pagkaraan na mangyari iyon ay bumagsak sina Ace at Ada ng sabay sa sahig kasabay ng paglaho ng kalaban ng kanilang mga kaibigan.
************
BINABASA MO ANG
LADY IN MASK (BOOK II OF Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water))
FantasyLooks like author have some time reversing her mind and think of a book II of Empire Academy. Reader and silent readers, get ready for the Book II of Empire Academy. WARNING: There maybe some changes or new characters that may play an important ro...