3 (ARRIELLA AVANA IN EMPIRE ACADEMY)

3.4K 99 0
                                    

Pagkagising ko ay labis ang aking pagkagulat ng nasa kastilyo na ako. Pero ang tanong ko sa aking sarili... Matandaan kaya nila ako? Pero hindi pwede. Kasi ako ang pumu-protekta sa sarili kong pamilya at hindi nila pwedeng malaman na ako nga iyon dahil malalagay sa panganib ang buhay ng aking mga mahal sa buhay. Bahala na nga! Nandiyan na iyan eh.

"Gising ka na pala, Binibini. Ano nga pala ang iyong pangalan?" sabi ni Steven. Oo. Alam kong siya iyon dahil sa kanyang kulay ng mata na kulay berde at asul. Sana lang ay wag niya akong mamukhaan. Kaya pumikit akong muli kasabay ay ang pag-iba ko ng kulay ng mata na itim.

"A-asan ako? Paano ako napunta dito?" sabi ko naman sa kanya na tila nagkakaroon kami ng lukso ng dugo sa bawat pagtahimik n gaming paligid.

"Narito ka ngayon sa palasyo namin. Nakita ka ng aking asong puti na ivory." Sabi naman ni Steven habang hawak ang isang putting aso. Aha! Natatandaan ko na.

"Huwag kang mag alala dahil mabait naman siya. Alam niya kapag kalaban ang kaharap niya o hindi. At dahil sa pagkahimatay mo kaya ka nandito. Si ivory rin ang nagbuhat sa iyo. Isa lang siyang aso kung titignan mo ngunit isa rin siyang engkantada at kulay puting dragon na kayang kalabanin sinuman ang mangangahas na kalabanin ang kanyang amo." Mahabang pahayag ulit ni Steven.

"A-ako nga pala si Arriella Avana. Ikaw?" pagtatago ko sa aking tunay na pangalan.

"Ako naman si Steven Sanford.Ah huwag ka mag alala, naka enroll ka na sa Empire Academy. Hiwalay ang dorm sa babae at lalaki. At huwag ka na rin mag alala, may dorm ka na agad. At makakasama mo ang dalawa kong kaibigan na babae." Si steven habang nag aayos.

"Sa lunes ay papasok ka na, sa ngayon ihahatid muna kita sa dorm mo. Halika na, pwede ka na lumabas dito sa silid na ito." steven

Sa kabilang banda, naka silip naman ang mag asawang Bea at Stephen na tila ay napapaisip sa ikinikilos ng dalaga.

"Si Ada Abigail talaga siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kuhang kuha niya ang aking tindig at kutis." sambit ni Bea

"At kuhang kuha niya ang aking maamo na mukha." si Stephen

"Ama.... Ina.. kanina pa ba kayo diyan?" si Steven

"ahh ehh o-oo anak.." sabi ni Stephen

"Ama.. Ina.. Si Arriella Avana po." pagpapakilala ni Steven kay Arriella Avana

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, kamahalan.." sabi ni Arriella at nag bow.

"Steven, bring her to her designated room. Enjoy staying here Arriella" sabi ng kanyang Ina.

****************

Makikilala na kaya ni Steven ang kanyang kapatid sa katauhan ni Arriella Avana?

O mauunahan nila ng kalaban na kunin si Arriella at makuha ang kapangyarihan nito?




LADY IN MASK (BOOK II OF Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon