ACE POV
Nandito ako ngayon sa secret garden ng Empire Academy. Secret ito dahil ako lamang ang nakakaalam na mayroong ganito dito. Hayy. Nalulungkot ako sapagkat hindi man lamang nagpaalam si Arriella sa akin. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko na siya. Hindi ko man lang nagawa yung mga bagay na gusto kong gawin sa kanya. Yung titigan ang kanyang maamong mukha. Hawakan ang malambot niyang kamay at yakapin siya. Kung nandito lang sana siya..
Lumipas ang mga araw at nanatili lamang na tahimik ang Empire Academy. Inutos ni King Stephen na magkakaroon ng underground training ang mga estudyante kada ika 10 ng gabi hanggang sa ikaw 1 ng madaling araw. Sina Steven, Alex at Ace ang humahawak sa mga lalaking estudyante at sina Thalia at Ariana naman sa mga babaeng estudyante.
"Anak nalalapit na ang inyong kaarawan ni Ada. Ngunit wala siya rito. Ano bang balak mo sa iyong kaarawan, Steven?" sabi ni Queen Bea.
"Ina, Ama, nabanggit po sa akin ni Ada na sa aming nalalapit na kaarawan ay may mangyayaring hindi maganda. Mas gugustuhin ko pa po sanang mag ensayo at harapin ang mga kalaban." Ani Steven
"Hindi na ako magtataka kung bakit nagiging mas malakas ka na ngayon Anak, huwag mo lamang pababayaan ang sarili mo." King Stephen
Dumaan ang mga araw at dumating na rin ang pinaka aasam ng lahat. Isang araw na lamang bago ang kaarawan ng kambal.
Maiiwasan kaya ni Arriella ang labang magaganap sa lugar kung saan nag simula ang unang laban?
***********
BINABASA MO ANG
LADY IN MASK (BOOK II OF Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water))
FantasyLooks like author have some time reversing her mind and think of a book II of Empire Academy. Reader and silent readers, get ready for the Book II of Empire Academy. WARNING: There maybe some changes or new characters that may play an important ro...