Prologue + Chapter 1

1.9K 24 13
                                    

Authors Note:Omigosh!!!! this will be the first time  na magsusulat ako dito sa wattpad...

actually ang plano ko talaga ay magpadala ng draft sa phr kaso parang nawalan ako ng gana kasi kulang pa ako sa inspirasyon... so for now, dito muna ako magsusulat...

pagpasensyahan niyo po muna kung iba yung style ko sa pagsusulat kasi pang novel po ito tapos kailangan ko pang iedit para sa wattpad....

thank you po sa mga magbabasa nito sa sister ko na si Norlyn Cachuela at sa friend ko na wattpad addict na si Irish Jane Nudo... ^____^

ok.... sana po magustuhan niyo po ito.... ;))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Prologue:

Annika's POV

hindi ko akalain na aabot ako sa ganito.... ung pipili ka sa dalawang taong mahalaga sayo... kahit sino sa dalawa may masasaktang isa... kung wala ka mang piliin masasaktan mo din silang dalawa...

Ano ba talaga???

sino ba talaga??

Ang first love ko o ang True Love ko????

 CHAPTER 1

NARRATION:

N APABUNTONG  hininga nalang si Annika bago iniwas ang tingin kina Zahra at Andrew  na nagkukulitan. They were best friends pero mas close ang dalawa. Mas pinagtutuunan pa kasi niya ng pansin ang mga libro kaysa sayangin ang oras niya para lang makipagkulitan sa mga ito. Ngunit kahit na ganoon, meron pa rin naman siyang nakalaan na oras para makipag-bonding sa mga kaibigan.

 “Annika, tapos ka na ba sa assignment mo? Paki-gawa naman yung sa akin oh, please….” ani Zahra. Hindi lingid sa kaalaman niya na mahina ang utak nito, pero mas ma-appeal ito kaysa sa kanya kaya wa-epek  pa rin ang pagiging top one niya sa klase kasi mas marami paring nakakapansin dito. Deadma lang ang pagiging medyo boobings nito.

            “Malapit na, pero siguro dapat ikaw nalang ang gumawa kaysa makipag-harutan ka pa kay Andrew” sagot niya.

“Kahit kelan, mapaka-seryoso mo talaga Annika,” sabat ni Andrew. “Ngumiti ka naman kahit minsan, para makita ang beautiful smile mo, puros libro naman kasi yang inaatupag mo, malapit na tuloy naming pagselosan ang mga libro,” dagdag pa nito.

            She just rolled her eyes, “Whatever! Palibhasa mga easy go lucky kayong dalawa!” naiinis na sagot niya.

Tumawa lang ang dalawa. Naku! Kung hindi lang niya mga bestfriend ang mga ito, baka ano pa ang masabi niya.

Tumunog ang bell, tapos na ang break nila, tumayo na silang tatlo papunta sa klase nila. Si Andrew sumama na sa mga kabarkada nito. Kahit na silang tatlo ang mag-bestfriend may ibang barkada rin ito at talaga namang pulos gwapo. Si Zahra naman may iba ring set ng mag kaibigan habang siya, bukod sa kanilang dalawa ay libro, ballpen at laptop lang siguro ang kaibigan. Hindi naman sa suplada siya, sadyang hindi lang niya feel ang ibang tao. Nag-aaral sila sa St. Francis  Academy, at sa eskwelahang yun, mabibilang lang yata ang mga nerd na kagaya niya. Maswerte na rin siya kasi ang mga bestfriend niya ang mga sikat sa campus nila.

Love Clash--- On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon