Chapter 10

1.2K 22 1
                                    

(A/N: Renzo and Chezka's picture in the multimedia)

KRISTOFF'S P.O.V.

Gabi na, pero may bumubusina pa sa labas.

"Ya, sino yun?" Tanong ko

"Si sir Renzo po yata sir" sagot ni Yaya

"Gabi na. Ano pang gagawin niya dito?" Tanong ko

"Hindi ko po alam. Saglit po, pagbubuksan ko lang po ng gate" sabi ng Yaya

"Ako na ya" sabi ko

"Sige po" sagot ni Yaya.

At pumunta na sa maid's room.

Pumunta ako sa labas at binuksan ang gate.

Nagulat ako ng lumabas si Renzo sa kotse at dala-dala si Chezka.

"Bakit ikaw ang kasama niya? Okay na ba kayo?" Tanong ko

"Nakapag-usap na kami kuya. Napaliwanag ko na ang side ko." Sagot ni Renzo

"Eh bakit ikaw ang kasama niya? Ang paalam niya sakin kakain sila sa labas ni Brian" sabi ko

Yumuko na lang si Renzo.

"Si Chezka na lang ang tanungin mo bukas kuya. Ayokong sakin pa manggaling" sabi ko

Mukhang may hindi magandang nangyari sa kapatid ko.

"Ikaw yung mahal ko pero niloko mo lang ako" sabi ni Chezka

And again, nakita ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mata niya.

"Nananaginip na naman ang prinsesa ko" sabi ko

"Dalhin mo na siya sa kwarto niya kuya. Kailangan niya ng pahinga. Aalis na din naman ako" sabi ni Renzo.

Saka niya inabot sakin si Chezka.

"Sige. Salamat at mag-ingat sa pagmamaneho" sabi ko

"Opo kuya" sagot ni Renzo

Tinitigan niya si Chezka saglit tapos, umalis na siya.

Pagkatapos, pumasok na din ako, at ipinunta si Chezka sa kwarto niya.

Kakausapin ko na lang siya bukas.

*

Gaya ng dati, maaga akong nagising.

Naghanda ng pagkain, at ginising ang mga tulog na prinsesa.

"Wake up" sabi ko

Agad na napamulat si Anika.

"Good morning Papa!" Sigaw niya

At tumalon papunta sakin saka ako hinalikan.

"Morning baby. Go brush your teeth, wash your face then go downstairs. Breakfast is ready baby" sabi ko

"Yes Papa" sagot niya

Saka siya tumakbo palabas ng kwarto.

"Wake up my princess" sabi ko

Saka ko inalog si Chezka.

Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at bumangon.

Halata sa mukha niya na malungkot siya at may problema.

"What's the problem princess? Tell me" sabi ko

Pero ngumiti lang siya at hindi sumagot.

"Kung ayaw mong pag-usapan ngayon okay lang. But remember kung kailangan mo ng masasandalan, I'm here okay?" Sabi ko

True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon