RENZO'S P.O.V.
Kanina ko pa siya gustong suntukin, pero parang ako ang nasuntok sa mga sinabi niya.
"I give up. Damn this game. Oo na nagsisinungaling lang ako. Ano?! Yun naman gusto mong palabasin diba?! Na umamin akong nagsisinungaling ako! Kaya yan ang dare mo para sakin! Kasi alam mong aamin at aamin ako kasi wala akong choice! Damn those persons who left me hanging in the end! Talksh!t" galit na sabi ni Brian
Tama siya.
Alam kong hindi niya magagawa ang dare kaya mo choice kundi ang umamin siya.
Kahit ganyan ang resulta, atleast worth it diba?
Halata sa mga mata niya anv galit.
"Uhm, chill lang tayo guys. Don't take it seriously. Laro lang 'to. Uhm, Renzo palitan mo na lang yung dare" sabi ni Rhea
Halata namang iniiwasan lang nila yung gulo eh.
Pero, sandali.
Hindi pa lumalabas yung gusto kong marinig.
"Hindi. Yun na ang nauna kong sinabi. Kaya yun na. Bakit ko pa papalitan diba?" Sagot ko
Nagulat kami ng tumayo si Brian.
Tumayo din si Elisha para pigilan siya.
"Ano!? Ano ba gusto mong palabasin ha Renzo!? Ano!? Sabihin mo!" sigaw niya sakin
Napatayo ako.
Lulubusin ko na, ngayong galit siya.
Dahil alam kong hindi siya magsisinungaling.
"Gab, tama na" sabi ni Chezka
Pero hindi ako nakinig.
"Gusto kong marinig yung totoo!" sigaw ko
"Yung totoo!? Putek! Yun lang ba!? Fine!" sigaw ni Brian
"Calvin, calm down!" sigaw sa kanya ni Elisha.
"Guys tama na. Huminahon tayo" sabi ni Hyra
"Yung totoo mahal na mahal ko pa rin si Chezka! Yung totoo hindi ko siya kinalimutan! Yung totoo umaasa ako na mababalikan ko pa siya! Yung totoo, kapag niligawan mo ulit siya, baka mapatay kita!" sigaw ni Brian
Ayun na. Lumabas na yung hinihintay ko.
"Lumabas din ang katotohanan" sambit ko
"Ano?! Masaya ka!?" sigaw niya sakin
Pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Tama na yan. Tsk. Nandito tayo para magsaya at hindi mag-away away" sabi ni Lance
"Tama na yan" sabi ni Terrence
Kaya umupo na ko.
Ganun din si Brian.
"Uhm, I guess we need to sleep. It's getting late." Sabi ni Hyra
"Oo nga. Hiking tayo bukas guys" sabi naman ni Rhea
"Goodnight!" sigaw ni Kyla
"Tara na!" sabi ni Hyra
Saka niya hinila si Chezka.
"Goodnight. Dream of me" biro ko
"Goodnight." Sagot ni Chezka
Saka niya ko nginitian.
BINABASA MO ANG
True Love (Completed)
Teen FictionIs there such a thing as true love in the reality? Or are we just dwelling in our collective heads? What does that really needed to be actually considered true love? Story Started: November 22, 2015 Story Ended: February 23, 2016 Book cover: KGC GRA...