(A/N: Para sakin nakakaiyak 'to. Sakin lang naman. HAHAHA.)
KRISTOFF'S P.O.V.
Ngayon na ang libing ni Lola.
Ngayon na kami mamamaalam ng tuluyan sa kanya.
"Flower offering na lil sis, di ka ba pupunta?" tanong ni Penelope kay Chezka
"Huh? Ah, oo ate" sagot ni Chezka
Saka na siya tumayo at kumuha ng bulaklak.
"Sundan mo siya. Baka mag break down ulit siya diyan, alalayan mo" sabi ni Penelope sakin
(A/N: Picture ni Kristoff at Chezka nasa Multimedia)
Tumango ako at tumayo.
Kumuha din ako ng bulaklak at sumunod sa likuran ni Chezka.
"Lola, mamimiss kita. Mahal na mahal kita lola" sabi ni Chezka
Saka siya umiyak.
"Chezka," tawag ko sa kanya
Pero mas umiyak lang siya.
"Lola, sana lagi mo kaming babantayan. Mamimiss ka namin" sabi ko
Saka ko na nilapag ang bulaklak sa ibabaw ng kabaong.
At inilayo si Chezka doon.
Dahil madami pang mag-ooffer ng bulaklak..
Pumunta kami sa sulok kung nasaan sila mommy.
"Sino ang magbibigay ng mensahe sa inyo?" Tanong ni Mommy
"Ma, ako" sabi ni Chezka
Kaya napatingin ako sa kanya.
"Kaya mo ba, princess?" tanong ko
Tumango siya at ngumiti.
"Kakayanin ko kuya. Pagbigyan niyo na ko oh. Huling araw na 'to eh. Last an kuya." Sabi niya
At sa muling pagkakataon, pumatak na naman ang mga luha niya.
Tumango ako at nginitian siya.
Saka siya pumunta sa harapan.
"Renzo, pakisundan naman siya. Dun ka lang sa likod niya. Alalayan mo naman siya oh" sabi ni Penelope
"Sige ate" sagot ni Renzo
Saka siya sumunod kay Chezka, at nanatiling nakatayo sa likuran niya.
"Eherm. So, alam ko lahat tayo dito nagluluksa sa pagkawala ng lola ko. Wala naman sigurong pumunta dito, na masaya kasi patay na siya, diba? Kung meron man, aba lumayas na ngayon din. Di mo deserve ang pumasok sa simbahan." Sabi ni Chezka
Napatawa na lang ako.
Pati ba naman dito, magmamaldita pa siya?
Tsk tsk..
"Hindi, joke lang po. Sinusubukan ko lang po kayong patawanin. Baka sakaling gumaan ang atmosphere. Haha" sabi ni Chezka
Kaya nagsitawanan naman ang mga tao dito sa simbahan.
Sana, magawa niya pang tumawa at ngumiti ng ganyan pagkatapos nito.
"Si lola? The best siya eh. The best mother, grandmother, great grandmother para samin. Wala nang makakapalit sa kanya, at walang makakapantay sa kagaya niya. Si Lola? Mabait yan. Maganda, matalino, maalaga at mapagmahal. Siy yung tao na hinding hindi ka iiwan lalo na kung alam niyang kailangan mo ng masasandalan" sabi ni Chezka
![](https://img.wattpad.com/cover/54983485-288-k347642.jpg)
BINABASA MO ANG
True Love (Completed)
Ficção AdolescenteIs there such a thing as true love in the reality? Or are we just dwelling in our collective heads? What does that really needed to be actually considered true love? Story Started: November 22, 2015 Story Ended: February 23, 2016 Book cover: KGC GRA...