Chapter 25

976 17 0
                                    

(A/N: Kristoff's picture on the multimedia)

CHEZKA'S P.O.V.

Dito kami sa bahay nila Hyra ngayon.

Birthday niya eh.

I wouldn't miss this day. :)

"Happy birthday bes!" sabi ko sa kanya

Sabay kami ni Jaili'ng dumating.

"Thank you bes! Si Michelle ba asan na? Kala ko kasama niyo." Sabi ni Hyra

"Hmp, ang tagal tagal niya." Sabi ni Jaili

"Kanina pa siya on the way ng on the way eh. Di naman nakakarating" sabi ko naman

"Haha" sagot ni Hyra

Ilang oras pa ang hinintay namin.

"Si Michelle anjan na oh! Hahaha" sabi ni Lj

Friend din namin.

Kaya napatingin kami sa may gate at meron nga siya.

"Kayo ha, iniwan niyo ko dun" sabi niya samin

"Eh kasi naman. Ang tagal tagal mo" sabi ko

"Hahaha. Bagay sayo yung damit mo" sabi ni Lj

Tinignan namin kung ano nakalagay.

"MALAPAD ANG NOO KO" tapos sa likod may nakalagay na "#ProudToBeMe".

Tinawanan na lang namin siya at pati siya nakitawa.

Hanggang sa, may dumating na guy.

"Ate Jianne! Nandito na bisita mo" sigaw ni Hyra

Kaya lumabas si ate Jianne na nagsusuklay pa.

"Pasok ka kuya" sabi ni Hyra

Pumasok yung guy.

"Hi tita" bati niya kay Tita

Meron kasi sila at simpleng handaan lang ang gusto ni Hyra.

"Pasok ka" sabi ni Tita

Ngumiti naman yung guy at pumasok sa loob.

Kami kasi nasa labas. Bakit? Trip namin eh.

Ang sweet sweet nila ni ate Jianne.

"Ilang months na sila bes?" tanong namin kay Hyra

"Sino?" nagtatakang tanomg niya

Tapos tinuro namin sila ate Jianne.

Tumawa si Hyra. Okay -_-

"Haha. Hindi yan ang boyfriend ni ate. Bestfriend niya lang yan" sabi ni Hyra

Eh?

Lahat kami nagulat sa sinabi niya.

"Seryoso ka? Parang sila eh" sabi ko

"Ako nga din. Akala ko sila. ang sweet kasi nila" sabi ni Michelle

"Akala niyo lang yun. Ganyan lang talaga sila" sabi ni Hyra

Maya maya pa kumain na kami.

Tapos, nagtambay kami dun sa malapit sa bahay nila Hyra.

"Aww. Naalala ko dati nung magkakasama tayo, na nahabol tayo ng aso tapos ako pa ang nahuli." Sabi ko

Nagtawanan lang kami.

Madaming memories din kasi ang hindi makakalimutan. :)

"Hahaha. Oo nga ee. Ikaw pa nahuli non, tapos natatakot kang tumakbo kasi baka mas habulin ka nung aso. Haha. Naalala ko ang epic mo nun. Ang bagal mo maglakad tapos as in na ang lapit ng aso sayo na tumatahol pa. Naalala ko nun malapit ka ng umiyak bes. Wahahah" Pang-aasar ni Hyra sakin

True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon