Chapter 8

1.2K 23 0
                                    

(A/N: Kristoff's photo on the multimedia)

KRISTOFF'S P.O.V.

Maaga akong gumising at naghanda ng almusal.

Saka ko pinuntahan sa kwarto sina Chezka at Anika.

"Wake up sleepy head princesses." Sabi ko

Saka ko tinanggal ang mga kumot nila.

Nauna pang nagising ang anak ko kesa sa kapatid ko.

"Good morning Papa!" Sigaw ni Anika

Saka siya lumapit at hinalikan ako.

"Morning baby girl. Maghilamos ka na dali." Sabi ko

"Yes Papa." Sagot niya.

At tumayo saka tumakbo papuntang C.R.

"Hey. Wake up princess" sabi ko kay Chezka

Ayaw pa rin niyang magising.

"Princess?" Tawag ko sa kanya

Hindi pa rin siya gumagalaw.

"Chezka?" Tawag ko

Pero wala pa din.

Yinugyog ko siya, pero hindi pa din siya nagising.

"Chezka!? Hey!" sigaw ko

Saka ko siya yinugyog ulit.

Nakita ko na lang na may tumutulong luha sa gilid ng mata niya.

"Hey wake up Chezka!" Sigaw ko

"Papa, what's happening?" Tanong ni Anika

"Chezka!" Sigaw ko

"Mommy! Mommy!" Sigaw ni Anika

At yinugyog si Chezka.

Pero hindi pa din siya magising.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya.

"Hey, wake up!" Sigaw ko

Saka ko tinapik ang mukha niya pero wala pa din.

"No!" Sigaw ni Chezka

Saka siya napabangon at hingal na hingal.

"Baby go get some water for your mommy" utos ko kay Anika

Agad namang tumakbo palabas si Anika.

"Hey, what happened!?" Tanong ko

Napahawak siya sa dibdib niya at naghahabol pa siya ng hininga.

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong niyakap.

"Kuya!" Sigaw niya

Then she burst out crying.

"Shhhh. Tahan na princess. Stop crying" sabi ko

Saka ko hinagod ang likod niya.

"Kuya nanaginip ako ng masama. Kuya, mamamatay daw ako. Kuya ayoko. Ayoko pang mamatay" sabi ni Chezka

Habang umiiyak siya.

"Hindi panaginip ang magsasabi kung kailan ka mamamatay. Walang kahit sino ang makakapagsabi at nakakaalam kung kailan. Diyos ang magdedesisyon jan. Naiintindihan mo? Stop now" sabi ko

"Here's the water!" Sigaw ni Anika

Kinuha ko yung tubig at inabot kay Chezka.

"Here, drink it. Just calm down okay?" Sabi ko.

True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon