Chapter 4

1.9K 27 0
                                    

CHEZKA'S P.O.V.

Alam niyo yung feeling nang di makapag-concentrate? -__-

Bwisit kasi si Kuya eh. Panira ng isip. :3 Tsk. Kaasar lang.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo" sabi ng secretary kl

Naks. Yaman. May sariling secretary.

Haha djk lang. Si kuya namilit diyan. -__-

"Sino daw?" Tanong ko

"Ako" sagot ng lalakeng kakapasok

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ano na naman ba? Busy ako. Next time na lang" sabi ko

Saka ko tinutok ang atensyon ko sa mga papeles sa harapan ko.

"Busy? O nagbi-busy busyhan?" Tanong niya.

"Busy" sagot ko

Pero hindi ko siya tinitignan.

"Talaga lang ha?" Sabi niya

"Pwede ba? Umalis ka na. Wala akong time makipagaway sayo" sabi ko

"Sino ba nagsabing nandito ako, para makipag-away?" Tanong niya

Sinara ko yung folder at, hinarap siya.

"Look, kung sasayangin mo lang ang oras ko, pwede lumayas ka na? Wala akong time makipag-usap sa kagaya mo" inis na sabi ko

"Kagaya kong ano?" Tanong niya

"Gusto mo talagang ituloy ko?" Tanong ko

"Oo" sagot niya

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ayokong makipag-usap sa mga kagaya mong sasayangin lang ang oras ko. Kagaya mo na sasayangin lang ang pagkakataon na ibibigay ko. Kagaya mo na hindi deserve ang salitang "tiwala" at "respeto". Sagot ko

Saka ako tumitig sa mga mata niya na blanko ang expression ko.

"Hanggang kailan mo ba sasabihin sakin yan?" Tanong niya

Hanggang sa mawala yung sakit na iniwan mo sakin.

"Hangga't nabubuhay ako" sagot ko

Hindi na siya sumagot pa at yumuko na lang.

"Kung wala ka ng sasabihin, pwede ka ng umalis sa harapan ko. Dahil ayokong makita ang pagmumukha mo" sabi ko

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko, nakayuko at hawak hawak ang kamay ko.

"Please, patawarin mo na ko. Chezka, ibalik na lang natin yung dati oh. Please naman oh" sabi niya

"Renzo, tumayo ka na jan" utos ko sa kanya

Pero hindi siya nakinig.

"Tumayo ka na jan!" Sigaw ko sa kanya

Pero umiling lang siya.

"Kung kailangan lumuhod ako, gagawin ko. Mapatawad mo lang ako" sabi niya

Hanggang sa naramdaman ko na lang yung luha niya na pumapatak sa mga kamay ko.

"Wala kang dapat gawin o sabihin para patawarin kita" sabi ko

Inangat niya ang ulo niya.

"Dahil inuulit ko. Kahit anong sabihin o gawin mo, hinding hindi na kita mapapatawad at hinding hindi ko na hahayaan na makapasok ka pa ulit sa buhay ko" sabi ko

True Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon