Prologue

224 40 5
                                    

Prologue

Masayang nakatingin ang prinsesa sa salamin habang sinusuklay ang mahahaba at maiitim na unat nitong buhok.

Bigla siyang natawa nang maalala ang ginawa niya kanina.

"Mukhang masaya ka, Prinsesa."

Napatigil siya sa pagtawa at nakita ang isang maputing babae na tulad niya ay nakasuot din ng puting bestida. Ang pinagkaiba ay mahaba ang manggas sa kanya samantalang wala naman sa babae.

Nagpatuloy itong magsalita, "masaya ka bang nakapanakit ka ng kapwa?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kung kanina ay nakangiti ito na tila nakikiayon sa nararamdaman ng prinsesa, ngayon naman ay magkasalubong na ang dalawang kilay nito.

Takot man ay pinilit niyang tumayo at humarap sa babae. "S-sino ka?"

Hindi siya nito sinagot. Bigla na lang may pumaligid sa kanila na ipo-ipo. Halos wala nang makita ang prinsesa dahil natatakpan ng ilang hibla ng kanyang buhok ang kanyang mga mata.

Nang mawala ang ipo-ipo ay nakita niyang wala na siya sa kanyang silid. Nasa tabing-ilog na sila! At nasa harap niya ang babaeng ngayon ay kitang-kita na dahil sa puti nito. Tanging ang bilog na buwan ang nagbibigay ng ilaw sa kanila.

"B-bakit tayo nandito?" Bakas sa boses ng Prinsesa ang takot.

Hindi siya nito sinagot. Bagkus, lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa ulo. "Kailangan mo nang matutunan ang iyong leksyon."

Gusto niyang magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Gusto niyang magpumiglas ngunit tila nawawalan siya ng lakas.

Unti-unti siyang natumba hanggang sa nawalan na siya ng malay.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Ai's Note:

New story! Yihee! Sana lang matapos ko 'to hehehe.

I dedicate this prologue to ate Khay! Dahil sa kanya kaya ako na-inspire gumawa ng "fairy tale" (kung fairy tale nga bang maitatawag 'to haha!)

Nag-post kasi siya sa FB ng excerpt ng kantang "Beauty and the Beast" tapos ayun, na-miss ko ang "Beauty and the Beast", "Aladdin" at iba pang fairy tale hanggang sa naisipan kong gumawa ng sarili kong fairy tale hahaha! Kaya thanks po ^_^

O, siya. Ang daldal ko talaga, eh XD

Vote if you "like" the prologue.
Comment your feedbacks and suggestions
Share this to your friends!

Thanks for reading ^_^

The Royal ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon