2 - Puti

107 35 1
                                        

Chapter 2

Nagulat si Aya sa tanong ni Prinsipe Armin. Pa'no nito nalaman na hindi siya si Aya?

Naglalakad na sila Aya at Nanay Liza papuntang palasyo.

"Ahm…" panimula ni Aya. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Gusto niya na ito itanong kanina pa! "Sino po ang batang babae sa litrato? 'Yung nasa bahay niyo po?"

Napatigil si Nanay Liza sa paglalakad. Napansin ni Aya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Kung kanina ay masaya ito, ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Mukhang mali ang pagtatanong niya. "P-pasensya na po. Hindi n--"

"Siya ang anak ko. Siya si Aya."

Nagulat siya. Kung gano'n, sa kanya pala ang pangalang ginagamit niya.

"Namatay siya noong walong taong gulang pa lang siya." Nalungkot siya sa narinig. Ramdam niya ang lungkot ni Nanay Liza. "Ang totoo niyan…" Tumingin sa kanya si Nanay Liza at nakita niya ang pangingintab ng mata ng babae. "Kahapon ang kaarawan niya."

Mas lalong nagulat at nalungkot si Aya. Dapat talaga ay hindi na siya nagtanong. "P-pasensya na po."

Tumawa nang mahina si Nanay Liza at tinapik siya sa balikat. "Ayos lang. Nandito ka na. Meron na ulit akong anak," sabi nito na may ngiti sa labi. "Siya nga pala, ipapakilala kita bilang anak ko. Mapili kasi sila sa mga kinukuha nilang tagapagsilbi. Mga mahaharlika kasi, eh."

"Pero, hindi po kaya magtaka sila? Hindi ako ang totoong Aya."

"Hindi sila magtataka dahil hindi naman nila alam na patay na ang anak ko. Mga walang pakialam ang mga tao doon."

Natigilan si Aya. "Sige po."

Nagpupumiglas si Aya ngunit sadyang malakas ang prinsipe kaya hindi niya ito kaya.

"'Wag ka nang magpumiglas. Mauubos lang ang lakas mo. Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanobg ko?" sabi nito.

Naiinis na si Aya. "Ako nga po si Aya!" sagot niya sa prinsipe. Nakatingin siya sa mga mata ng lalaki habang sinasabi ang mga 'yon.

Kumunot ang noo ng prinsipe. "'Wag ka nang magsinungaling. Sino ka ba talaga?"

"Aya," tawag sa kanya ni Nanay Liza na papalabas na ng banyo. Agad na binitawan ni Prinsipe Armin ang mga braso ni Aya at lumabas ng kuwarto. Naiwan doon si Aya na  naghahabol ng kanyang hininga na tila galing sa isang karera. Hindi siya nakahinga nang maayos kanina.

"O, Aya. Hindi ka pa rin tapos?" tanong ni Nanay Liza sa kanya.

Umayos siya ng tayo. "Ah, pasensya na po." Babalik na sana siya sa pagta-trabaho nang pigilan siya ni Nanay Liza.

"Ay, 'wag na. Mukhang pagod na pagod ka na. Mamaya na lang natin 'yan tapusin. Magtanghalian na muna tayo."

Lumabas na sila ng kuwarto. Pumunta sila sa hapag-kainan ng mga tagapagsilbi. Malaki rin naman ito pero mas malaki nga lang sa mga mahaharlika.

Nandoon na ang lahat ng tagapagsilbi. Kahit ang mga lalaki ay nandoon na.

"Magandang tanghali, Aling Liza!" bati ng ilan.

"'Yan na ba si Aya? Aba, kay gandang babae!" sabi ng isang lalaking na may maduming suot. Siguro isa siya sa hardinero.

"Gano'n? Ibig sabihin mas maganda siya sa 'kin?" tanong ng isang babae.

"Ikaw naman, Yumi. Siyempre, mas maganda ka," paglalambing ng lalaki at nagsimula na silang maglambingan.

"Hoy! Tigilan niyo nga muna 'yan, Pedro, Yumi!" saway sa kanila ng isang babaeng na parang kasingtanda ni Nanay Liza.

The Royal ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon