Ai's Note: Now I know, this isn't fairy tale XD
SPG-K and Slight S hahaha!
Just read at your own risk :)
Chapter 3
"Armin."
Napalingon si Prinsipe Armin nang tinawag siya ni Prinsipe Ben.
"Bakit, Kuya?" tanong niya.
Umupo ang lalaki sa tabi ni Prinsipe Armin. "Ano? Handa ka na ba sa handaan?"
Napairap ang lalaki. "Alam mong hindi ko gusto ang mga gan'yan."
Tumawa ang kanyang kuya. "Alam ko. Iniisip ko lang na baka nagbago na ang gusto mo."
'Tss…"
"Lalo na't nandiyan na si Aya," pang-aasar ng kanyang kuya.
Mabilis siyang napalingon dito. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Akala mo hindi ko pansin 'yang kakaibang tingin mo kay Aya 'no?" Patuloy pa rin sa pambubuska si Prinsipe Ben.
"Hindi sa ganoon 'yon. Kaya ko lang 'yon ginagawa ay dahil…" Napatigil ang prinsipe. Dapat niya ba talagang sabihin ang dahilan?
"Dahil?"
Umiling siya. "Wala."
Hindi naman siya sigurado kung nagsisinungaling nga talaga si Aya. Baka hindi lang totoo ang nasabi sa kanya ni Nanay Liza noon.
Pumasok ang labing-isang taong gulang na si Prinsipe Armin sa kanyang kuwarto. Nagulat siya sa nakita. Nandoon ang kanyang tagapag-alaga na si Nanay Liza na may hawak na walis at… umiiyak.
Agad siyang tumakbo dito. "Bakit po, 'Nay?" Nag-aalala siya rito. Para na rin niya kasi itong nanay dahil ito ang matiyagang nag-aalaga sa kanya.
Niyakap siya ng babae. "Prinsipe Armin, si Aya…" Humahagulgol ito.
"Si Aya? 'Yung anak mo po? Bakit po? Ano pong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ng bata.
"W-wala na siya." At umiyak na nang tuluyan si Nanay Liza.
Kaya hindi siya makapaniwala nang ipakilala sa kanila ni Nanay Liza si Aya. Ano 'yung sinabi sa kanya noon ni Nanay Liza? Biro lang?
"Pero, alam mong hindi kayo bagay. Prinsipe ka, tagapagsilbi lang siya. Isa pa, ikakasal ka na kay Prinsesa Anastasia sa oras na bumalik na siya."
"Alam ko. Teka, bakit nga ba naglayas 'yon?" tanong niya.
"Aba, malay ko. Ni hindi ko nga kilala 'yon eh."
Bumuntong-hininga si Prinsipe Armin. "Eh, ikaw? Tanggap mo na bang ipapakasal ka kay Prinsesa Alina ng Shigan?"
"Kailangan eh. Wala naman tayong magagawa kahit ayaw natin. Sana nga lang maganda 'yon." Tumawa muli ang prinsipe.
Sa totoo lang, hindi pa nila nakikita ang mukha ng ipinagkasundo sa kanila. Nasa tradisyon kasi na bawal makita ang mukha ng prinsesa ng kahit na sino bukod sa mga tao sa loob ng kanilang palasyo hangga't hindi pa sila nakakasal.
"Sana… hindi na lang akong ipinanganak na prinsipe. Sana ordinaryong tao na lang ako," sabi ni Prinsipe Armin habang nakatingin sa kisame.
"Hoy, 'wag mo ngang sabihin 'yan. Halos lahat sila, nangangarap maging maharlika tapos ikaw, ayaw mo?"
Napalingon siya sa kapatid. "Kasi hindi nila alam ang pakiramdam ng isang prinsipe. Akala siguro nila, kapag maharlika ka, nasa iyo na ang lahat. Pero ang totoo, wala kang karapatang magdesisyon sa sarili mo. Wala kang kakayahang piliin kung sino ang pakakasalan mo… hindi tulad nila." Nakakatawa lang. Isa siyang prinsipe. Marahil pangarap ng kalalakihan aang maging prinsipe. Maraming tagapagsilbi at nakatira sa isang magarang palasyo. Pero siya, hindi niya 'yon gusto. Dahil ang palasyo para sa kanila ay kulungan para sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Royal Servant
Historia CortaIsang araw, nagising na lamang si Aya na hindi niya maalala ang kanyang nakaraan at napadpad siya sa kaharian ng Narayana kung saan ang isa sa mga prinsipe ay si Prinsipe Armin na naging amo niya. Posible kayang magkatuluyan ang dalawa? Kung nakatak...