Chapter 6
"Anong nangyari?" bungad sa kanila ng mga kasamahan sa palasyo.
Napatingin siya kay Aya. Balisa ito at nasasaktan siyang makita ito sa ganoong estado.
Pagnanakaw. 'Yon ang tinitignang motibo kung bakit pinatay si Nanay Liza. Mukhang may nakatiktik na dito at inabangan na lamang siya dumaan doon.
"Anong nangyari?"
"Ang hari't reyna!"
Agad na nagsitabihan ang mga alipin at binigyan ng daanan ang mag-asawa.
Ipinaliwanag ni Prinsipe Armin ang nangyari. Nang malaman ang buong kuwento ay nag-utos ang reyna. "Ah... gano'n ba? O siya, dalhin na ang katawan niya sa bundok."
Nanlaki ang mga mata ni Aya sa narinig. "T-teka, h-hindi niyo ba siya ililibing man lang?"
Nagtaas ng isang kilay ang reyna at tumawa. "At bakit naman namin gagawin 'yon, Aya? Isa lang naman siyang hamak na alipin! Dalhin niyo na! Ayokong may bangkay dito sa palasyo."
"Pero... pero..." sasabat na sana siya nang may humawak sa balikat niya. "Mika," bulong niya.
Inilingan siya nito na parang sinasabing, 'tama na.' "Tagapagsilbi lamang tayo, mahaharlika sila."
Tinabig niya ang kamay nito. "Kahit na! Pare-parehas lang tayong tao! Ilang taong nanilbihan dito ang nanay ko. Isang maayos na libing lang... kahit 'yon lang..." pahina na pahinang reklamo niya.
"Ina!" tawag ni Prinsipe Armin sa ina niya. "Maayos na libing... para sa nag-alaga sa 'kin nang ilang taon. Para kay Nanay Liza."
Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Tinitigan ng reyna ang anak. "Sige. Ilibing niyo si Liza sa bundok."
Nakaramdam ng ginhawa si Aya. Kahit 'yon lang... masaya na siya.
👑👑👑
P
umasok na siya ng silid ni Prinsipe Armin. Wala doon ang prinsipe.
Naalala niya ang unang beses na pumasok siya sa kuwartong 'yon. Kasama niya pa ang Nanay Liza niya. Ngayon... mag-isa na lang siyang maglilinis ng kuwartong 'yon. Ngayon... wala na ang Nanay Liza niya. Bakit ba ang lupit ng mundo?
Hindi na niya napigilan ang mga luha. Nag-uunahan na ang mga iyon sa pagbagsak. Napaluhod siya at sumandal sa kama ng prinsipe. Iyak siya nang iyak ngunit walang nakakarinig. Mukhang nakakaintindi.
"Mga walang pakialam ang mga tao doon."
Dati, naguguluhan siya kung anong ibig sabihin ng Nanay Liza niya pero ngayon, naiintindihan niya na.
May naramdaman siya sa tabi niya. "P-puti!" Kinuha niya ang pusa at niyakap ito. "Bawal ka rito sa kuwarto ni Prinsipe Armin pero salamat dahil pumunta ka. Ikaw lang ang kakampi ko."
Umalis ang pusa sa pagkakayakap sa kanya at tumalon papunta sa kama.
Nataranta si Aya. "U-uy! Bawal ka diyan! Higaan 'yan ni P--" Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay tumalon pababa ang pusa sa sahig at unti-unting nagliwanag. Sobrang liwanag na nakakasilaw kaya't tinakpan niya ang kanyang mata ng kamay. Nang mawala ang pusa ay nakakita siya ng isang... tao?
"T-teka, isa kang d-diwata?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Oo, at oras na para bumalik ka sa iyong pinanggalingan. Oras na para maalala kung sino ka ba talaga."
Nanlaki ang mga mata niya. "A-ano?" Pinanggalingan. Alaala.
Ikinumpas ng diwata ang kanyang kamay at may mga lumabas na mga litrato sa kanyang harapan. Nanlaki ang kanyang mga mata. Mga litrato niya na isang prinsesa?
"Isa akong p-prinsesa?" tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa mga litrato.
"Oo. Ikaw si Prinsesa Alina ng Shigan."
At biglang nagliwanag ang kanyang paningin. Ang mga alaalang nawala ay unti-unti nang nagbalik.
"Ano bang ginagawa mo? Wala ka talagang kuwenta!" sigaw ng prinsesa sa isa niyang alipin.
"P-pasensya na po. 'Di na po mauulit."
Galit na galit ang prinsesa. Walang makakapigil sa galit nito. "Lagi ka namang ganyan! Lumayas ka na dito!"
Nanghina ang alipin. "'Wag po, pakiusap. Kailangan ko po 'to. Kailangan po ako ng mga anak ko." Lumuhod ito sa harapan niya. 'Di alintana ang iba pang alipin nanonood at wala ring magawa. "Patawad, Prinsesa Alina."
P-prinsesa A-alina? Ako 'to?
Umupo siya sa harap ng alipin upang magpantay sila at itinaas ang baba ng babae. "U-ma-lis ka na," matigas niyang sabi at tinalikuran na ang alipin.
"Ang lupit mo talaga! Sana maranasan mo rin ang maging alipin nang malaman mo ang hirap at sakit!" sigaw nito habang naglalakad siya palayo.
"Para namang mangyayari 'yon," bulong niya.
At marami pang alaala na pinagmamalupitan niya ang mga tagapagsilbi. Nanghina ang kanyang mga tuhod sa nalaman at napaluhod. Talaga bang siya 'yon? Ang malupit na prinsesa?
"A-ako ba talaga 'yon? Si Prinsesa Alina?" nanghihina niyang tanong. Na parang ayaw tanggapin ng utak niya ang katotohanan.
"Oo. Ikaw 'yon, Aya. Ikaw ang malupit na si Prinsesa Alina."
Masayang nakatingin ang prinsesa sa salamin habang sinusuklay ang mahahaba at maiitim na unat nitong buhok.
Bigla siyang natawa nang maalala ang ginawa niya kanina.
Sinaktan niya ang isang alipin dahil lamang nasaktan siya habang sinusuklay nito ang mahabang buhok.
"B-bakit?" tanong niya. "Napakalupit ko sa mga tao," naiiyak niya nang sabi.
"Dahil dito," sagot ng diwata at may bumalik sa kanyang alaala.
Nagulat siya sa nakita. Isang umiiyak na prinsesa. Si Prinsesa Alina ay umiiyak.
Matapos niyang maalala ang mga 'yon ay napaiyak siya nang tuluyan. Kaya pala... kaya pala.
"Prinsesa Alina, kailangan mo nang bumalik sa Shigan."
Napatayo siya at lumapit sa diwata. "P-pero ayoko nang umalis dito. Ayoko nang mahiwalay kay Prinsipe Armin!"
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang prinsipe. "Aya?" nagtatakang tanong nito.
Tumakbo siya palapit dito. "Prinsipe Armin!" Ngunit unti-unti na siyang nahigop ng liwanag hanggang tuluyan na siyang nawala.
"Aya!"
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Malapit na pong matapos 'to :)
Vote if you "like" this chapter
Comment your feedbacks and suggestions
Share this to your friends!Thanks for reading! ^_^
BINABASA MO ANG
The Royal Servant
ContoIsang araw, nagising na lamang si Aya na hindi niya maalala ang kanyang nakaraan at napadpad siya sa kaharian ng Narayana kung saan ang isa sa mga prinsipe ay si Prinsipe Armin na naging amo niya. Posible kayang magkatuluyan ang dalawa? Kung nakatak...