A/N: Para kay Divine, ang KPOP ng tropa. Siya po ang "Deanne" ni Francis. Marz, salamat sa encouragements. - Neth
“Ano ba ang sasabihin mo? May nangyari ba?” tanong kaagad ni Angel pagkaupong-pagkaupo niya sa harap nito. Naroon sila sa coffee shop sa Victoria kung saan siya nagtuturo. Ang mga ito naman ay sa Trinidad City – sa katabing siyudad ng Victoria – nagtuturo. Pinapunta niya ang mga ito dahil may gusto siyang sabihin sa mga ito.
“Buntis ka ba? O baka may nangutang sa’yo tapos tinakbuhan ka? Nag-riot ba ang mga estudyante mo dahil sa isang eskandalo na kasabwat ka? Tell us!” ani Jessa. Sanay na siya sa mga hirit nitong ganoon kaya hindi na lamang niya sinaway ito. Isa pa ay walang makakabali sa kasiyahan niya sa mga oras na iyon. She was like in cloud nine.
“You know what? That’s none of the above. I’m…” Itinaas niya ang kaliwang kamay na nagtataglay ng singsing na ang disenyo ay simpleng pilak na may diyamante sa gitna at dalawang batong aquamarine sa magkabilang gilid. Aquamarine ang birthstone niya.
“I’m getting married!” aniya sa dalawang kaibigan. Nang makahuma ang dalawa sa pagkabigla ay nagsitayo ang mga ito sa kinauupuan. Tumayo rin siya at niyakap ang mga ito. Ilang minuto rin silang tumatalon habang magkakayakap at bahagya pang tumitili.
“May I have your attention, please?” ani Jessa na hindi man lang kinakitaan ng pagkapahiya kahit na nasa kanila na ang atensiyon ng halos lahat ng naroon. Pati tuloy ang mga tagasilbi ay napalingon na rin at napatigil sa ginagawa. “My friend over here,” itinuro siya nito. “is finally getting married!”
Ang mga parokyano ng coffee shop na mga teenagers ay kilig na kilig habang naghahampasan samantalang ang mga kababaihan ay tila nangangarap pa; ang mga kalalakihan ay nagtaas ng mga tasa ng kape at napakamot naman sa ulo ang iba. Abot-tainga ang ngiti niya habang nagpapasalamat sa pagbati ng ilan.
Nang humupa ang mga batian ay naupo na silang muli na parang walang nangyari. “So, what are your plans?” tanong ni Angel sa kanya.
“Franco is thinking if we can make it abroad,” aniya.
“Why? Hindi ko yata gusto ‘yon,” nakaingos na sabi ni Jessa. “Imagine, we won’t be able to see you for years!”
“Mas magiging maganda kung sa US kami titira. I mean, Franco’s a marine biologist and the opportunities there for him were too good not to be grabbed.” Sa isang banda ay totoo iyon. Maraming organisasyon ang nagnanais kumuha sa mga serbisyo ng kanyang nobyo. Hindi lamang niya masabi sa mga kaibigan niya kung ano pa ang isang dahilan ng mga ganoong plano nila ng fiancé niya.
Ayaw sa kanya ng mama ni Franco. May iba itong napipisil para sa anak—si Georgina na matagal nang nahuhumaling kay Franco—na malayo umano kaysa sa kanya. She’s a gold digger, as what the old woman insinuated several times. Kung minsan ay pinasasaringan pa siya nito kung gaano nito kaayaw sa kanya. And to ruin those few family dinners she shared with her boyfriend’s family—the widow always managed to invite Georgina. Wala siyang pakialam kung ano man ang tingin nito sa kanya dahil alam niyang hindi totoo iyon; may maganda siyang trabaho at masasabing financially-stable na. Ngunit kung minsan ay nauuwi iyon sa tampuhan ng mag-ina. Hindi gusto ni Franco ang pakikialam ng ina nito sa relasyon nila, lalo na ang pamimilit nito sa binata kay Georgina. Hindi lamang ito nagsasalita dahil ayaw nitong masaktan ang ina, pero dumating naman ito sa desisyon na lumayo na lamang sila kapag kasal na sila.
Nagpapasalamat siya at hindi na nagtanong pa ang mga kaibigan niya. Ayaw niyang itago sa mga ito ang totoong dahilan ng plano nila ni Franco ngunit ayaw rin niya na mag-alalapa ang mga ito sa kanya.
“So, when is the wedding? And where? Sa Vegas ba?”
Nagkibit-balikat lamang siya. “Maybe in Vegas first. We were both thinking of a civil wedding first before a church wedding.” Para hindi na makatutol pa ang mama ni Franco, ngali-ngaling idugtong niya.
“Yeah. Be practical; the cost of living in the main cities were way too expensive compared here,” sabi ni Angel. Nakangisi pa ito na parang alam na alam kung gaano siya kakuripot. “Pero obligasyon mo pa rin na imbitahan at pakainin kami sa kasal mo!”
“At ihanap ng fafa!” patiling sabi ni Jessa. Nag-high five pa ang mga ito pagkasabi niyon.
“Of course. Mawawala ang lahat, pero hindi kayo.” She felt a stab in the chest when she said that. Halos ang mga kaibigan na lamang niya ang tumatayong pamilya niya.
Her mother, together with her three siblings died in a sea accident. Lumubog ang barkong sinasakyan ng mga ito na papuntang Maynila. Nagbakasyon ang mga ito sa Iloilo kung saan ay naroon naman ang mga kamag-anakan ng kanyang ina. Lumubog ang barko dahil sa napakarming sobrang pasahero. Kaunti lamang ang nakaligtas doon na halos karamihan ay mga crew ng barko. At sa kaunting nakaligtas na iyon ay hindi pa kasama ng kanyang mga kapatid at ina nila.
Sila na lamang ang naiwan ng kanyang ama. Pero noong labing-anim na taon siya at nasa unang taon lamang sa kolehiyo ay lumipad patungong Kuala Lumpur ang ama niya para doon na magtrabaho. Matapos ang dalawang taon ay nabalitaan na lamang niya na nagpakasal ito roon. Pilipino rin ang napangasawa nito.
Simula noon ay halos siya na ang bumuhay sa sarili niya. Kulang pa sa pagkain niya sa araw-araw ang ipinapadalang halaga ng kanyang ama. Nagtrabaho siya habang nag-aaral. Kasama sina Jessa at Angel ay sinuportahan nila ang isa’t-isa dahil halos pare-pareho sila ng mga pinagdadaanan, magkakaiba ng lamang ang sitwasyon.
“Call us when you got in Vegas, huh? At pasalubungan mo kami ng mga chips na galing casino,” bilin ni Jessa.
“Sira ka! Sa lahat ng lugar, casino ang hindi ko pupuntahan ‘no!”
“Basta, happy trip, Deanne. We love you,” anito. Napakaiyakin talaga nito. Kaunting maantig ang damdamin nito ay naiiyak na agad.
Niyakap niya ang kaibigan. Si Angel ay nakatayo lamang habang pinapanood sila. Ngumiti siya rito.
“Don’t forget to call us, okay? Susugod kami kahit pa sa Bahamas kapag sinaktan ka ni Franco,” banta ni Angel. Mukha itong nagbibiro ngunit alam niyang may bahid ng katotohanan iyon.
“Of all places, talagang Bahamas pa ang naisip mo,” sita ni Jessa kay Angel saka siya binalingan. “Speaking of the devil, nasaan na nga ba si Franco at hindi mo kasama ngayon?”
“He’s busy with his last project in Palawan. Iyon na lang ang hinihintay niyang matapos para makalipad na kami papuntang US.” Siya ay ngayong araw nag-resign sa pinagtuturuan niyang unibersidad. Ayos na rin ang lahat ng mga gamit niya. Hinihintay na lamang niya ang tenant na uupa sa iiwan niyang maliit na bahay sa Victoria. Pinag-usapan na nila ni Jessa na ito na ang bahala sa pagkolekta ng upa sa bahay ng tenant niya. Ang kaparte naman sa negosyo nilang buy-and-sell ng kotse ay si Angel na ang bahala. Sinabi niya sa mga ito na tutulong pa rin siya kahit malayo na siya. Hindi rin niya nais na iasa sa mga ito ang lahat ng responsibilidad kajit alam niyang kayang akuin ng mga ito ang lahat.
Nang maghiwa-hiwalay sila dahil ang mga ito ay pabalik na sa Trinidad City at siya naman ay dadaan pa sa grocery para mamili ng supplies ay saka naman tumunog ang cellphone niya. Wala sana siyang balak na sagutin iyon kung hindi lamang panay ang tunog niyon. Inihimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“Hello?”
“M-Miss Deanne, si Nora po ito,” pakilala ng nasa kabilang linya. Katulong ito sa bahay ng ina ni Franco.
“Hi Nora. Bakit ka napatawag? Nariyan ba ang Sir Franco mo?” Ang alam niya ay mamayang gabi pa dadaong sa Manila Yacht Club ang yate ni Franco.
“Miss, si Sir Franco po…”
“A-Ano? May n-nangyari ba? Tell me!” Ayaw man ay hindi niya maiwasang kabahan sa tono ng kausap.
“N-Nahulog po sa yate si Sir F-Franco. Wala na po siya.”
Wala na siyang pakialam kahit pa mabasag ang pinakaiingatan niyang cellphone nang humulagpos ito sa pagkakahawak niya.
BINABASA MO ANG
Men in Love 2: The Stranger in Disguise
RomanceDalawang taong ipinahanap ni Francis ang asawang nawala na parang bula. Kung kailan balak na niyang sumuko sa paghahanap ay saka ito biglang nagparamdam; pinadalhan siya nito ng isang bungkos na divorce papers! Bumalik sa Pilipinas si Deanne matapos...