Red Country Estates, Victoria
Napapailing na lamang siya dahil sa hindi maawat-awat na pagkukuwento—o mas tamang sabihing paglalabas ng sama ng loob—ng kanyang ina. Kanina pa ito walang tigil sa panlalait sa girlfriend ng kapatid niya. Nais niyang sabihin na siya na lamang ang tutuklas sa sarili niya, iyon nga lamang ay wala rin naman siyang balak na gawin iyon kung sakali. Mas nais pa niyang makipagkomperensiya sa mga brandy na nasa minibar kaysa galitin ang sarili niya tulad ng ginagawa ng mama niya.
“And you know what? She even had the nerve to come back here after I invited Georgina! Ang kapal ng pagmumukha ng babaeng ‘yon! Hindi ko alam kung bakit ba nabaliw sa kanya ang kapatid mo. Matalino ang kapatid mo at malinaw ang mga mata, pero nabulagan siya sa gold-digger na ‘yon! ‘Must be some love potion…”
“’Ma, please? Let me sleep, even just for now. Saka na tayo mag-usap.” Sa tagal niyang nanirahan sa Silicon Valley ay hindi pa tuloy niya makasanayan ang klima sa Pilipinas kahit na dalawang linggo na siyang nasa bansa.
Inirapan siya ng kanyang ina. “Fine. Pero inaasahan ko pa rin na tutulungan mo akong hanapin ang kapatid mo. Hindi ako naniniwalang patay na siya.”
“Me either,” mabilis na sagot niya. Kaagad siyang tumayo saka humalik sa pisngi nito. “Good night, Ma.”
Paglabas niya ng dinning room ay dumiretso siya sa hardin sa harap ng bahay. Tinawagan muna niya ang vice president for operations niya. Sinabi niya rito na ilang linggo siyang mawawala dahil sa paghahanap sa kapatid niya. Hindi na sila nakapag-usap pa bago siya umalis dahil nagmadali siyang umuwi nang malaman niyang nawawala ang kapatid.
Hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang hindi pa patay ang kapatid niya tulad ng sinasabi sa kanila ng mga crew ng kapatid niya. Nahulog umano ito sa yate at bago pa may makasisid sa dagat para tulungan ito ay huli na ang lahat. Malakas ang alon at mabilis ang takbo ng yate. Sa dalawang linggong paghahanap nila sa katawan nito ay walang natagpuan maski anino nito.
Pinalabas lamang ng kanyang ina na wala na si Franco para mailayo ito sa fiancée umano nitong gold digger. Galit na galit sa babae ang kanilang ina kaya pilit nitong ipinagtabuyan ang babae nang magtungo ito sa bahay nila noong nakaraang linggo, marahil ay para makibalita sa nangyari sa kanyang kapatid.
Akala ng kanyang ina ay talagang tutulog na siya, ngunit doon siya nagtungo sa silid na ginagamit ng kapatid niya kapag doon ito natutulog sa ancestral house nila. Binuksan niya ang mga drawers at nakita niya sa isa sa mga iyon ang larawan ni Franco kasama ang isang babae na sa tantiya niya ay napakabata pa para pakasalan ng kapatid niya. Curly hair, cute nose, and big doe eyes greeted him. Suddenly he was intrigued. Ano ang meron ang babaeng iyon para mahalin itong mabuti ng kanyang kapatid?
Kung ang pagbabasehan ay ang pahayag ng kanyang ina, nagkamali nga ang kanyang kapatid sa pagpili ng babae. Ayon sa kanyang ina ay materyosa ang babae, at lahat umano ng magustuhan nito—ultimo mga damit at sapatos—at iniuungot nito kay Franco. Sa tuwing magkikita ang mga ito ay lagi umanong iba ang kotseng minamaneho ni Franco, at sinasabing iyon ay pag-aari ng babaeng hindi niya matandaan ang pangalan.
Naaawa siya sa nangyari sa kapatid niya ngunit hindi niya matutulungan ito kung wala siyang gagawin. Nagmamadaling lumabas siya sa silid ng kapatid saka nagdiretso sa garahe. Pinaharurot niya ang kotse nito nang walang tiyak na patutunguhan.
Sinabi niya sa kanyang mama na may importante siyang inaasikaso para sa negosyo niyang nasa Silicon Valley, pero ang totoo ay inaayos niya ang mga papeles ng kapatid niya na maaaring magbigay-konklusyon sa kasintahan nito. Hindi niya gustong iwan ng matagal ang negosyo niya sa Amerika kahit pa sabihing magagaling ang mga tauhan niya, pero wala siyang magagawa kundi ayusin ang mga naiwan ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Men in Love 2: The Stranger in Disguise
RomanceDalawang taong ipinahanap ni Francis ang asawang nawala na parang bula. Kung kailan balak na niyang sumuko sa paghahanap ay saka ito biglang nagparamdam; pinadalhan siya nito ng isang bungkos na divorce papers! Bumalik sa Pilipinas si Deanne matapos...