Two years later…
“Anong okasyon?”
Sa halip na sagutin ang tanong ni Luigi ay itinuloy lamang niya ang pag-inom ng alak. Hindi niya alam kung pang-ilan na iyon, pero hindi siya nagbibilang. Basta ang alam niya ay mauubos na niya ang isang bote, at tanghaling-tapat pa lamang. Ayon sa sekretarya niya ay mayroon siyang dalawang meeting para sa hapon. Wala siyang pakialam. Mas mabuti nga na malasing agad siya para pag-uwi niya ng bahay ay matutulog na lamang siya. Akala niya ay wala na ang sakit, pero nagtatago lamang pala iyon sa loob niya. Muli itong lumabas pagkaalala niya kung anong petsa ngayong araw.
Napabuntong-hininga si Theo. “It’s their anniversary today.”
Napailing na lamang si Luigi. “Sa palagay ko ay dapat ka munang magbakasyon,” suhestiyon nito.
“And what? Leave my company to be preyed on by the sharks? No way.” Inagaw nito sa kanya ang hawak niyang baso ng alak. “Ibalik mo sa’kin ‘yan.”
“What sharks are you talking about? You. Are. The. Shark!” sigaw nito sa kanya. Napangiwi siya. Tama ito. Simula nang umuwi siya sa bahay nang gabing iyon at mangyari ang kinatatakutan niya ay tila nawalan na siya ng puso. Ibinuhos niya sa negosyo ang oras iya para makalimot. Walang siyang katunggali sa negosyo na pinagbigyan niya. For them, he was the shark, the predator. At ngayon ay mayroon na siyang sariling imperyo, pero hindi siya masaya. Paano magiging masaya ang isang hari na walang reyna?
Dalawang taon na mula nang umalis si Deanne sa bahay nila…sa buhay niya. Kung may magsasabi sa kanya na isinilid ni Deanne sa maleta nito ang puso niya ay maniniwala siya. Why, he became a cruel, heartless man. Ang mas nagpapainit sa ulo niya ay ang katotohanan na kahit mayaman siya, maraming pera at ari-arian, ay hindi niya iyon mapakilos para hanapin ang nawawalang asawa. Sa nakalipas na dalawang taon ay ilang private investigator na ang inupahan niya para maghanap, pero puro negatibo ang resulta. Walang makapagturo kung nasaan ito.
Isa pang problema niya ay ang relasyon nila ng kakambal niyang si Franco. Nakabalik na ito noong nakaraang taon matapos gumaling ang amnesia nito. Natural, ang una nitong hinanap ay si Deanne, at galit na galit ito sa ginawa niya. Hindi umano si Deanne ang gold-digger kundi si Georgina, ang babaeng gusto ng mama nila para rito. Si Georgina ang nagtago sa kapatid niya sa loob ng isang taon na inakala nilang patay na ito. Ito rin ang dahilan kung bakit nag-withdraw ng limang milyon si Franco mula sa acount nito, dahil sa pakiusap ng kanilang mama na tulungan nito ang babaeng iyon. Lahat ng sisi ay kay Deanne napunta, at ngayon ay wala siyang magawa para makabawi rito.
Talk about life.
“You need a vacation. Tamang-tama, dahil isa ka sa mga abay sa kasal ni Eiyu,” segunda ni Theo. “We won’t take ‘no’ for an answer.”
“I don’t have time—” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang may kumatok sa opisina niya. Ang sekretarya pala niya iyon.
“Sir, there’s a package that arrived for you.” Inilapag nito sa mesa niya ang isang envelope na may tatak ng isang forwarding company. Kaagad niyang binuksan iyon, at sa loob ay isang brown envelope ang naroon. Napakunot-noo siya nang mabasa na galing iyon sa isang lawfirm sa Los Angeles. Nang sulyapan niya ang mga kaibigan niya ay puro kuryosidad din ang masasalamin sa mga mata ng mga ito.
Dahan-dahan niyang binasa ang ilang papel na nasa loob ng brown envelope, para lamang sa huli ay mabitawan niya ang mga iyon. He couldn’t believe what he saw.
Mga papel iyon na kailangan niyang pirmahan para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Deanne.
BINABASA MO ANG
Men in Love 2: The Stranger in Disguise
RomansDalawang taong ipinahanap ni Francis ang asawang nawala na parang bula. Kung kailan balak na niyang sumuko sa paghahanap ay saka ito biglang nagparamdam; pinadalhan siya nito ng isang bungkos na divorce papers! Bumalik sa Pilipinas si Deanne matapos...