Chapter 10

10.4K 225 13
                                        

Bumalik siya sa ospital nang umagang iyon kahit na sinabihan siya ni Franco na ito na muna ang bahalang magbantay kay Francis at magpahinga muna siya, tutal ay hindi siya natatandaan ng asawa. Napansin niya na malamig din ang pakikitungo sa kanya ni Franco, gaya nina Theo at Luigi na hindi nag-abalang itago ang galit sa kanya. Kung naroroon lamang ang ina nina Francis, malamang ay isinumpa na siya nito at ipinagtabuyan gaya ng dati. Ang sabi ni Franco ay hindi na nito ipinaalam sa ina ang kalagayan ng kakambal dahil makakasama iyon sa kondisyon nito.

Naiintindihan niya ang mga ito. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyari kundi siya. Ang hindi lang niya matanggap ay ang pagkalimot ni Francis sa kanya. Kahit sabihin ng mga doktor na normal lang ang klase ng amnesia na pinagdadaanan nito ay hindi niya maiwasang hindi malungkot. Sa halip na maayos nila ang mga gusot sa pagitan nila ay lalo lamang lumala ang mga iyon. Bakit sa dami ng maaring makalimutan ni Francis ay siya pa? Ganoon ba kasama ang ginawa niya kaya iyon ang nabura sa mga alaala ni Francis, iyong mga masasakit?

Dala ang mga nilutong pagkain ay dumiretso na siya sa private hospital suite ng asawa. Napatigil siya nang may marinig na mga tinig sa loob. May kausap si Francis. Sa halip na kumatok at ipaalam na naroon siya ay sumandal siya sa pintuan saka inilapat doon ang isang tainga.

“You know what? Ako na lang ang nagmamahal sa'yo, brod,” anang tinig ng isang lalaki. Alam niyang kay Eiyu iyon.

“Shut the hell up, Eiyu! Hindi ko kailangan ang drama mo.”

“Chill, Francis, okay? Chill lang. Hindi ako nagdadrama, nagsasabi ako ng totoo. Isipin mo, no'ng nalaman ko ang nangyari sa'yo, nagmadali akong umuwi rito kahit sa isang linggo pa namin balak umuwi ni Angela. See? Saka mo sabihin ngayon na nagdadrama lang ako.”

Ilang sandali pa bago sumagot si Francis. “Thank you, brod. Lubus-lubusin mo na ang kabaitan mo. Kausapin mo si Xavier.”

“Sinong Xavier? 'Yong abogado natin?”

“Who else? Sabihin mo sa kanya na ayusin na ang divorce papers namin ni Deanne sa lalong madaling panahon. Pakisabi na ayusin na rin niya ang mga properties na makukuha ni Deanne kapag naghiwalay kami. I don't want her to be left with nothing.”

Tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Nahigit niya ang hininga sa narinig. Balewala na ang plano niyang ayusin ang relasyon nilang mag-asawa kung desidido na talaga si Francis na maghiwalay sila ng landas. Sabagay, ano pa nga naman ang aayusin niya ngayong ni hindi siya matandaan nito?

“Are you sure, Francis? After all these years, ngayon mo pa pakakawalan si Deanne? Are you insane?”

“Nasa matino akong pag-iisip, Akatsuki. Ang puso ko, wala sa kondisyon.”

Puso? Nagtaka siya sa sinabi ni Francis. Paano mangyayari na sangkot ang puso nito?

“Brod...”

“Hindi mo ba nakikita kung gaano nasasaktan si Deanne? Ni hindi siya makatingin ng diretso sa'kin. She despises me, and she has all the rights in the world to do so. Nasaktan ko siya nang sobra. I should have known two years ago that there is no chance in this lifetime that she would be mine. Si Franco pa rin ang mahal niya. Sinira ko ang mayroon sila. Tapos ngayon, nakabalik na si Franco pero wala nang tsansa na maging sila muli. Why? Because I ruined everything. I ruined Deanne's chance to reconcile with Franco. I robbed Franco of his fiancee, and I robbed Deanne of her freedom. Pinilit ko lang si Deanne na bumalik sa'kin. Alam mo bang hindi niya ako babalikan kung hindi ko siya tinakot na guguluhin ko ang pamilya ng tatay niya sa Malaysia?”

“Kaya ngayon, sa tingin mo ay ang pagkukunwaring may amnesia ang solusyon sa problema mo? Duwag ka, Francis! Tinatakbuhan mo ang problema mo!”

Pagkukunwaring may amnesia. Tama ba ang dinig niya? Hindi totoong may amnesia si Francis? Hindi totoong nakalimutan siya nito? Napahawak siya sa dibdib sa antisipasyon.

Men in Love 2: The Stranger in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon