Habang nakatingin siya sa hindi magkandaugagang tao sa simbahan ay hindi niya maiwasang mapangiti. Araw ng kasal nina Angel at Eiyu ngayon. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang siya muling makakadalo sa isang kasal. Dahil ang huli niyang dinaluhan ay ang sa kanila ni Francis.
Nagpalinga-linga siya sa loob ng simbahan. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi niya makita ang asawa. Pero bahagya siyang nagtaka nang hindi ito makita roon. Bestfriend pa rin ito ng groom at hindi siya naniniwalang hindi dadalo si Francis sa kasalang iyon.
Nang pumalakpak ang wedding coordinator hudyat na mag-uumpisa na ang kasal ay hinanap kaagad niya ang kuya ni Angel. Iyon ang kapareha niya sa entourage. Saglit lamang silang nagbatian nito, at kapagkuwan ay pumila na sila sa bukana ng simbahan kasama ng iba pa. Kaagad siyang umabrisete sa kuya ni Angel nang maglakad na ang pareha na nasa harap nila. Nang sila na ang naglalakad ay napatuon ang atensiyon niya sa may altar. Napahigpit ang kapit niya sa kuya ni Angel nang masalubong niya ang maitim na titig ni Francis. Hindi pa rin siya makapaniwala na naroon ito at katabi ni Eiyu.
“Ngumiti ka naman, Deanne. Sayang ang mga pictures natin,” anang kuya ni Angel. Napahiya tuloy siya rito kaya pinilit niyang ngumiti. Mabuti at naalala pa niyang humiwalay sa kuya ni Angel at lumiko sa kaliwang pew. Doon uupo ang mga babaeng abay at mga ninang. Sa kabilang pew naman pupuwesto ang mga lalaking abay at mga ninong.
Sa buong durasyon ng misa ay hindi siya mapakali. Nararamdaman niyang nakatingin sa kanya ang kanyang asawa. Hindi iilang beses na nasalubong niya ang mga mata nito. Kung maaari nga lamang na umalis na siya sa lugar na iyon at huwag nang bumalik pa. Ngunit alam niyang magtatampo ang mga kaibigan niya. Isa pa ay sinabi niya sa sarili niya na magbabagong-buhay na siya. At hindi niya magagawa iyon kapag hindi niya nagawang harapin ang iniiwasang asawa.
Nang matapos ang misa ay kaagad niyang niyaya si Jessa na lumabas. Nagpahila na lamang ito sa pag-aakalang gutom na siya at nagmamadaling makarating sa wedding reception.
“Deanne, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa namumutla,” puna ni Jessa. Doon sila sumakay sa kotse ni Ran. Sa passenger seat ito nakaupo, habang siya ay nasa backseat katabi ang isa sa mga abay na si Luigi.
“A-Ayos lang ako, medyo nahilo lang ako kanina,” pagdadahilan niya.
“Wedding jitters?” nakatawang tanong ni Ran. “Daig mo pa pala si Angel!”
Inirapan niya ito. Kinurot naman ito ni Jessa. Paano ba niya ipaliliwanag sa mga ito na nakita niya ang iniiwasang asawa? Alam niyang kaibigan din ng mga ito si Francis. At wala siyang balak na sabihin sa mga ito na si Mrs. Francis Sandoval at siya ay iisa.
Nang makarating sila sa hotel kung saan gaganapin ang reception ay kaagad siyang nakihalubilo sa mga tao. The least thing she want would be for Francis to find her.
Matapos nilang kumain ni Jessa ay nagpasintabi siya na pupunta sa washroom. Nagre-retouch na siya ng make-up niya nang lumabas mula sa isang cubicle ang isang tao na inakala niyang hindi na niya makikita pa.
“Deanne, hija,” bati sa kanya ng ina nina Franco at Francis.
Pilit niyang itinago ang pagkagulat at pinapormal niya ang kanyang ekspresyon. “Mrs. Sandoval,” ganting-bati niya rito. Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa saka lalo pang nagmadali. Hindi pa rin umaalis ang ginang sa likuran niya.
Nang matapos siya ay saka niya nilingon ito. “Mauna na po ako sa inyo, Mrs. Sandoval,” magalang na sabi niya. Hahawakan na sana niya ang seradura ng pinto nang magsalita ito.
“Kamusta ka na, hija? Kailan ka pa nakauwi?” tanong nito.
“Ayos lang po ako. Umuwi po ako no'ng nakaraang linggo para sa okasyong 'to. Kaibigan ko po ang bride.” Napabuntong-hininga siya. “Paumanhin po, pero hindi ko alam na ang groom at ang bestfriend ni F-Francis ay iisa. Sana ay hindi na ako dumalo rito.”
![](https://img.wattpad.com/cover/6262554-288-k654566.jpg)
BINABASA MO ANG
Men in Love 2: The Stranger in Disguise
RomanceDalawang taong ipinahanap ni Francis ang asawang nawala na parang bula. Kung kailan balak na niyang sumuko sa paghahanap ay saka ito biglang nagparamdam; pinadalhan siya nito ng isang bungkos na divorce papers! Bumalik sa Pilipinas si Deanne matapos...