Chapter 3

6K 141 5
                                    

Abala siya sa pag-aayos ng garden kaya hindi na siya nagpumilit pa na sumama sa Stanford University. Sa araw na iyon ay balak ng kanyang asawa na magtungo sa nasabing unibersidad para sa research studies na ginagawa roon. Madali lang para kay Franco ang magkaroon ng access doon dahil doon ito nagtapos ng kolehiyo, maging si Francis.

Ilang tourist places na ang pinagdalhan nito sa kanya. Ang hindi na lamang niya napupuntahan ay ang Silicon Valley. Naroon ang kompanya ni Francis, at sa tuwing hihilingin niya sa asawa na magtungo roon para makilala niya ang kapatid ito ay lagi siya nitong pinahihindian. Abala umano si Francis dahil sa napakalaking kompetisyon ngayon sa merkado. Lagi nitong sinasabi na baka isang araw ay bigla na lamang siyang magulat kapag si Francis na mismo ang tumambad sa pintuan ng bahay nila.

Pagabi na ngunit natutuwa pa rin siyang mamili ng mga buto ng halamang namumulaklak at kung anu-ano pang bagay na alam niyang magpapaganda sa hardin. Hindi niya namalayan na malapit na palang gumabi, kaya nagmadali na siyang umuwi.

Pagdating sa bahay ay naroon na ang kanyang asawa, nakatanaw sa balkonahe ng silid nila. Hindi niya mabanaag ang ekspresyon ng mukha nito, kaya binilisan na niya ang pag-akyat sa kanilang silid.

“F-Franco,” bati niya. Ni hindi siya nito nilingon. Nagpatuloy na lamang siya sa pagbibihis. Malamang ay galit ito sa kanya dahil ginabi siya ng uwi at hindi pa nakakapagluto ng kahit ano. Matapos magpalit ng damit ay pumihit siyang paharap, para lamang mabangga sa dibdib nito. Mabuti na lamang at nahawakan siya nito sa baywang bago pa siya napaupo sa sahig.

Hindi niya inaasahan na yayakapin pa siya nito at hahalikan. “I-I’m sorry. Natagalan ako dahil nag-enjoy akong mas—”

“I thought you already left me,” anas nito sa tapat ng tainga niya. “I thought you won’t come back anymore.”

“Bakit ko gagawin ‘yon samantalang mahal na mahal kita?” Napangiti siya rito. “Kaso, hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan natin.” Kahit pa mayroon silang mga katulong ay mas gusto pa rin niya na siya ang mag-asikaso ng kakainin nila, maging ng mga isusuot nito.

“That’s nothing. Sa labas na tayo kumain,” yaya nito.

“Ayos lang sa’yo?” di-makapaniwalang sabi niya. “Sige ka, baka masanay ako sa ganyan, ikaw rin.”

Tinawanan lamang siya nito. Kapagkuwan ay nasa kotse na sila, patungo sa downtown San Jose. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit lumayo pa sila para lamang kumain ng dinner. Sa ilang beses na pagpasyal nila roon ay nagustuhan kaagad niya ang lugar. Tila hindi iyon nauubusan ng iaalok sa mga tao.

Sa isang maliit na Italian diner sila kumain. Habang kumakain sila ay tinanong niya ito tungkol sa lakad nito sa Stanford University. Tuwang-tuwa ito habang ikinukwento kung gaano kalaki ang ipinagbago ng research facility ng unibersidad. Nakita rin nito ang mga kaibigan nito noong kolehiyo na balak ring suportahan ang bagong proyektong iyon. Nakakuha umano ito ng ilang posibleng kliyente sa maghapon nitong pagtigil doon.

“Clients?” naguguluhang tanong niya. Paano ito magkakaroon ng kliyente gayong pino-proseso pa ang mga papeles nito sa kasalukuyan?

Napalis ang ngiti nito. “I mean, for the software company. Clients for the software company,” pagtatama nito.

“Tungkol ba saan ang research presentations ng university?”

“About modern technology and innovations,” matipid na sagot nito.

“And here I thought those were about marine biology! Kaya hindi ako sumama ay dahil gusto kong ma-enjoy mo ang symposium na ‘yon. Kung alam ko lang na may koneksyon ‘yon sa physics, edi sana sumama ako,” nakalabing sabi niya. Hindi niya lubos-maisip na hinayaan ng asawa niya na ma-miss niya ang ganoong pagtitipon. Mahilig siya sa physics dahil forte niya ang mathematics, at alam nito iyon.

Men in Love 2: The Stranger in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon