EU's POV
Asar! Why does she have to do that? Yun tuloy! Binawi ni Dad yung Ferrari ko. Asar talaga! Nabasabunot tuloy ako sa buhok ko. Asar! Badtrip!
"Uy dude! Laki ng problema natin ah!"
Isa pa tong lalaking ito eh. Hindi ba naman ako pinahiram sa isa nyang kotse? Asar ulit! He's Jaice Savemeon Endozo. Mayaman, tulad ko. Mahilig sa mga chicks, tulad ko. Gwapo rin tulad ko. HAHA kaya lang ang damot ng isang to. Nakakabadterp. Pakshet oh!
"Tigilan mo ako ha! Badterp rin ako sa yo."
"Naman! Nagtampo pa ang bestfriend ko." Tumawa naman ang mokong. Lalo tuloy akong naasar. "Ano, babae ba yan? At baka matulungan kita."
"Yes and no. Yes, bwiset na babae dude. No, you cant help me. Eh ako nga naprufrustrate dito tapos ikaw na sidekick ko lang sa kabaliwan, tutulungan ako? Nah!"
"Fvck you dude! Kapal mo! Bagong buhay na ako ngayon. Inlab eh. Pag ikaw nainlove, fvck dude! Tatawanan talaga kita! Sige na magkwento ka na."
"Kung makasabi ka ng 'fvck' wagas ah? Oo sige na sasabihin ko na but i wont expect your help."
Nagkwento naman ako ng lahat. Simula doon sa 'kiss' hanggang sa nangyari kahapon at nung matapos na ako, "Nakakaasar siya. Kaya nga binawi ni Dad yung Ferrari ko at nawalan ako ng two weeks allowance dahil sa babaeng yun."
"Tss yun lang pala! Akala ko ba you're Euhicco Zap The Great? Gamitin mo charm mo dude! Wala naman yatang babaeng di napapaamo si Euhicco Zap The Great di ba?"
"Siyempre wala noh! Kailan ba ako napaglaruan ng isang babae ha? Pfft!"
"Angas oh! To tell you honestly, this is the first time i saw you going crazy over a girl so therefore i conclude, ngayon lang. Sa babaeng tinutukoy mo. Kay Aximiana lang."
Natigilan ako don. Ako? Going crazy over a Aximiana?! Naw! Thats---
"Ano? ide-deny mo pa? Kitang-kita oh!"
"Nang-asar ka ba?"
"Malamang. Galit ka na eh." Tumawa ulit si Jaice. Bwiset tong mokong na to ah! Batukan nga!
"Aray! Ba't mo naman ginawa yun?" Kinamot nito ang ulo nito.
"Malamang gagawin ko talaga. Eh nang-aasar ka di ba?" Tumayo na ako saka nagsimulang naglakad pero napatigil ulit ako sa sinabi ni Jaice.
"Make her fall."
Kumunot yung noo ko. "What?"
"Make her fall."
"Huh?"
"Kala ko ba matalino ka? Simpleng 'make her fall'di mo pa magets? Bobo ka dude!"
"Gusto mong batukan kita ulit? O gusto mo suntukan na lang para mas madali?"
"Yoko! Sayang ang kagawapohan ko saka baka madiscourage pa si Satyana sakin noh!"
"Tss pero---"
"Di mo pa rin gets?"
"Baliw ka! Of course i knew what you mean about 'make her fall' but how? Eh ang maldita at strikta at wise ng babaeng yun. Di ko nga malapitan eh."
"Banaman ohhh! Kala ko ba matinik ka?"
"At di mo rin talaga ako titigilan noh?" Lalapit na sana ako para batukan ulit ang mokong pero...
"Be the first one to comfort her. Dun! Madali mong mapapaibig ang mga babae sa ganong paraan. Make her fall for you during her vulnerable state."
Vulnerable....yes lately, napapansin kong malungkot si Axi. Di ko rin alam kung bakit pero i'll take my chances. At kapag napaibig ko na siya, yun! Euhicco Zap The Great's revenge is done. BWAHAHAHA