Game On

30 1 0
                                    

AXI's POV

Ano? Magtatanong kayo kung anong nangyari sunod nun? Wala. Kami naman ni Eu ang nanahimik. Bwiset! 8 hours ago, masayang masaya ako sa piling ni bebe boy ko. 2 hours ago, nairita at nawalan ako ng gana nung pag-uwi ko bwiset na balita agad ang sumalubong sakin. Asar! Dinner daw? Kasama ng bwiset na Euhicco na yun?! Ngayon naman, currently, mas nabwiset ako! 

Akalain mo? Tinawag akong 'babe' at kung ano-ano pang nakakaasar na mushy lines ang sinabi ng kumag na yun sakin. Kung si Avett pa nagsabi nun, nagbunyi na sana ako ngayon pero duh! Si Eu?! Asar! Malas! Kaya nung may nakilalang kabusiness si Tito at pinakilala kina Mommy at Daddy, nagmadali agad akong um-exit sa table namin at lumabas sa may garden ng resto kung saan kami nagmeet.

"Asar! Kapal talaga ng Eu na yun! Darn him! How dare him call me babe! Kadiri! Mas sweet yung bebe boy at bebe girl. Unusual at di masyadong ginagamit ng mga couples. Para maiba nam---"

"Ahhh...sana sinabi mong gusto mong bebe girl ang itawag ko sayo at hindi babe. Ang cheap mo palang pumili ng pet name pero cute siya...slight." Tumawa pa ng nakakaasar si Eu sa likod ko.

Boses pa lang alam ko na kung sinong demonyo ang nasa likod ko kaya di na ako nagbother na tumalikod at harapin siya noh. Baka di ako matunawan! Pero nanginig talaga ang kalamnan ko nang binaggit niya yung 'bebe girl'. BWISET! Si Avett lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganon! Asar siya masyado!

"Oh, di ka makapagsalita. Cat get your togue bebe girl? Or naflatter ka masyado dahil at last tinawag na kita sa gusto mong pet name, BEBE GIRL?" At diniinan pa talaga!

Pigilan nyo ako, kundi sasapakin ko na talaga tong halimaw nato! Pigilan nyo ako!

"Euhicco! Aximiana! Halina kayong love birds kayo!"

Sigaw ni Mommy kaya humarap na ako sa kanya kasi kailangan ko naman siyang daanan para makabalik ako sa resto. Swear! I tried my best talaga para hindi ko pagpalitin ng pwesto yung kilay at mata niya. Bwiset!

"Let's go bebe girl?" He offered his hand and flashed his evil smile.

"One, masyado kang low quality para madeserve mong tawagin akong 'bebe girl'. Two, isang tao lang sa mundong ito ang may karapatang tawagin ako ng ganun. Three, im sure hindi ikaw yun. Four, prefer ko ang babe. Five, why? Kasi mukha kang baboy. Six, maglalakad ako mag-isa pabalik dun sa resto. Seven, 3 seconds from now, tutulo na iyong luha ko. Eight, eto, tumulo na yung una. Susunod na ang pangalawa. Nine, maghanda ka na pagkatapos kong maglakad."

Naglakad na ako palayo sa kanya habang nakangisi at umiiyak. Sumigaw ako, "Ten, humanda ka sa pasabog ko Euhicco Zap Lafortezza! Ang kapal mo! Hindi ko deserve ang masaktan ng ganito! Ang sama mo!"

Mas nilakasan ko yung boses ko nung sinabi ko na yung pasabog ko. Nagulat naman ang lahat ng tao sa resto sa sinigaw ko habang umiiyak ako. Niyakap ako ni Mommy.

"Hija, what's wrong? May di ba kayo napagkaintindihan ni Euhicco?"

"Mom...ayoko na po....ang sakit..may iba naman siyang m-mahal eh..."

Lumapit yung Dad ni Euhicco sa kin saka ako tinanong, "What did my bastard son do to you hija? Humanda sakin yung---EUHICCO!"

"Dad i---"

Nagulat naman ako nung sinigawan ni Tito si Eu. Behlat! HAHAHA pero di pa tapos yung pasabog ko.

"Tito...wag na po. Okay lang nman ako...*sniff* tanggap ko naman na h-hindi ako *sniff* yung m-mahal niya. T-hat *sniff* im just o-one of his *sniff* g-girls..."

Umiyak pa ako lalo nun saka sinilip si Eu. Gulat din siya HAHAH if you just saw his facial expression. Parang takot na takot na di naiintindihan ang nangyayari. Our eyes met and i grinned at him evilly. HAHAHAHAHHAH

Well, sorry ka! Binangga mo ako, then right now, im telling you, GAME ON!

Draw Me CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon